Balita

Ella Cruz: Mas madaling umiyak kaysa matakot

- Remy Umerez

HALF sisters ang roles na ginagampan­an ng Millenial Dance Princess na si Ella Cruz at ng Social Media Sweetheart na si Donnalyn Bartolome sa suspense thriller movie na Cry No Fear, ng Viva Films. Hindi sila magkasundo at punung-puno ng poot sa isa’t isa. Lalo pang lulubha ang sitwasyon sitwas nang umalis ang kanilang ama, at ang kanilang yaya ang tanging kasama nila. Batay Ba sa takbo ng istorya, magugulat ang magkapatid m sa biglang pagsulpot ng ruthless ru intruders na ayaw lisanin ang kanilang bahay. Aware sila na may nakaambang panganib, at kailangan nilang magkasundo para iligtas ang isa’t isa. Aminado naman si Ella na mas madali ang mag- drama o magpakuwel­a. Ang lubhang mahirap para sa kanya ay ang mag-project ng takot.

“Gumawa po ng naibang paraan si Direk Richard ( Somes) para magampanan ito nang wasto. Nagkaroon din po kami ng workshop,” sabi ni Ella. “Nagkasama na kami ni Donnalyn sa Darkroom at lalo kaming naging close working together sa Cry No Fear,” dagdag pa niya.

Ayon kay Direk Richard, hindi para sa mahihina ang puso ang Cry No Fear.

Tungkol naman sa working attitude nina Ella at Donnalyn, sinabi ng direktor na kapwa propesyuna­l ang dalawa at walang attitude problem. Tampok din sa suspense thriller sina Lander Vera Perez, Christophe­r Roxas at Patricia Javier, sa kani-kanilang pagbabalik­pelikula. Sila ang ruthless intruders sa buhay half sisters.

Showing na sa June 20 ang Cry No Fear.

 ?? Ella at Donnalyn ??
Ella at Donnalyn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines