Balita

‘DUB DYNASTY!’

Ikatlong NBA title sa GS Warriors, B2B Finals, MVP kay KD

-

CLEVELAND (AP) — Nanatiling gintong kumikinang ang Golden State. At ligtas nang sabihin na isa nang ‘ dynasty’ ang paghahari ng Warriors sa NBA.

Hataw si Stephen Curry sa naiskor na game- high 37 puntos, habang tumipa si NBA Finals MVP Kevin Durant ng triple- double, para sandigan ang Warriors sa dominanten­g 108- 85 panalo nitong Biyernes ( Sabado sa Manila) at kumpletuhi­n ang ‘ sweep’ sa bestof- seven championsh­ip.

Nakopo ng Warriors ang unang back- to- back championsh­ip at ikatlo sa nakalipas na apat na championsh­ip laban sa tinagurian­g ‘ The King’ LeBron James at Cleveland Cavaliers.

“This is so hard to do and doing it three out of four years is incredible,” pahayag ni Klay Thompson.

Ang tagumpay ng Warriors ang unang ‘ sweep’ sa NBA Finals mula noong 2007 kung saan kinaldag ng San Antonio Spurs ang Cavaliers, na pinangunah­an nang noo’y papasikat pa lamang na si James.

At sa kanyang career eight straight finals appearance, natikman muli ni James ang mawalis, sapat upang mabuo ang espekulasy­on na muling lilisanin ng fou- time MVP ang Cleveland.

Tumapos si James, kumana ng Finals career- high 51 puntos sa Game 1, ng 23 puntos at hindi na naglaro sa huling apat na minute nang laro.

Naging kontrobers­yal ang Game ng Episode 4 ng Warriors at Cavs. Ngunit, sa pagusad ng serye, pawang Warriors show ang natunghaya­n ng basketball fans.

“Can’t get enough of this feeling so we’re going to celebrate it together,” sambit ni Curry, gumawa ng NBA finals record na siyam na three- pointer sa Game 2.

Hindi binigyan ng Warriors ng pagkakatao­n ang Cavs at ang mga tagahanga nito, sa kabila ng katotohana­n na wala pang nakabalik mula sa 0- 3 pagkakabao­n nang ilatag ang siyam na puntos na bentahe sa halftime nang isalpak ni Curry ang three- pointer.

Tulad nang inaasahan, mas sumisingas­ing na Warriors ang lumantad sa third period at hilahin ang bentahe sa double digits sa pamamagita­n ng 25- 13 scoring run.

Sa fourth period, wala nang duda ang tagumpay ng Golden States at ang inaantabay­an na lamang ay kung sino kina Curry at Durant ang tatanghali­ng Finals MVP.

At sa ikalawang sunod na season, nakuha ni Durant, humugot din ng 12 rebounds at 10 assists, ang parangal.

Sa kasaysayan ng NBA, tanging ang Boston Celtics sa kapanahuna­n ni Bill Russell, ang “Showtime” Lakers, Los Angeles squad nina Kobe at Shaq, at ang Chicago Bulls ni Michael Jordan ang nagpamalas ng dominasyon sa nakalipas na era.

Panahon ngayon ng ‘ Dub Dynasty’.

Para kay James, inaasahang gagamitin nito ang US$ 35.6 milyon contract para maging free agent sa susunod na season.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines