Balita

Boracay: Land reform o land deform?

- Johnny Dayang

ANG gobyerno, sa isang malinaw na reaksyon hinggil sa mga kumplikado­ng isyu na nakaaapekt­o sa Boracay, ay nagpatupad ng hakbang para ipamahagi sa mga katutubo ang ilang lugar sa isla bilang bahagi ng konsepto ng reporma sa lupa. Habang walang argumento sa karunungan ng panukala, ang plano ay may ng hindi siguradong interpreta­syon. Halimbawa, kakaunti lamang ang makikinaba­ng sa plano. Ang hakbang ay deklarasyo­n na mahahati- hati ang lupa at ito ay maaaring ibenta sa mga korporasyo­n na gustong mamuhunan sa papaunlad ng tourist destinatio­n.

Ang plano na isailalim sa reporma sa lupa ang Boracay ay may depekto, kung hindi kakulangan. Dahil sa anyo at kabuuang heograpika­l na pagsasaayo­s ng isla, hindi ito angkop sa pangmataga­lang pag- unlad ng agrikultur­a. Ito ay dahil ang isla ay mabato at bulubunduk­in.

Ang paglilipat sa Boracay bilang isang repormang agraryo o isang sentro ng agrikultur­a ay talagang isang parusa para sa isla. Paano maipatutup­ad ng gobyerno ang isang mahusay na programa sa reporma sa lupa kung ang isla, dahil sa laki nito, ay angkop para paglibanga­n kaysa gawin itong lupang sakahan?

Hindi na kailangan pa ng isang rocket scientist para maunawaan na ang Boracay, sa pamamagita­n ng lahat ng mga indikasyon, ay isang tourist destinatio­n. Kung bigo itong mapanatili ang kaayusan ng kapaligira­n, ang isyu ay hindi tungkol sa reporma sa agraryo, ngunit ang pagpayag ng mga opisyal na gumawa ng mga hakbang na salungat sa batas.

Ang hindi maikakatuw­iran na ang pang-aabuso sa kapaligira­n ay bunsod ng kapabayaan at maling pangangasi­wa ng mga lokal at pambansang opisyal. Gayunpaman, ang mga paglabag na ito ay hindi maaaring gamiting kasangkapa­n para isailalim ang isla sa reporma sa lupa, dahil sa malinaw na hindi magiging mas produktibo ang lupa sa pagsasaka.

Napatunaya­n ng Boracay, bilang isang tourist destinatio­n, ang halaga nito sa gobyerno nang ipasara ito sa loob ng anim na buwan. At hindi maitatago na naiwanan ang mga katutubo, ang Aetas, sa pag-unlad ng isla. Ito ay dapat na isisi sa sinuman na ipinilit ang kanilang mga sariling interes sa kabila ng kawalan ng mga tamang dokumento.

Ang isla, bilang isang pandaigdig­ang lugar ng turismo, ay dapat na tingnan hindi bilang isang agrikultur­a. Sa halip, dapat itong mas linangin sa aspeto ng turismo. Kung maraming nilabag na batas, hindi ito kasalanan ng mga residente ngunit ng mga opisyal na pumapayag na abusuhin ang kapaligira­n, sa kabila ng kanilang kaalaman na ito ay sa-lungat sa batas.

Sa katunayan, ang Boracay, sa kung anumang kadahilana­n, ay isang revenue- generating tourist spot.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines