Balita

Sikat ng araw, nakapagpap­atalas ng memorya

-

LAGI ka bang nakalilimo­t ng mga bagay-bagay? Napag-alaman sa bagong pag-aaral sa China na maaaring kailangan mo lang ng mas maraming outdoor activity para malantad sa sikat ng araw upang mahasa ang iyong memorya. Nadiskubre ng mga siyentista sa University of Science and Technology of China na ang moderate UV exposure ay nakapagpap­atalas ng memorya at nakatutulo­ng para mas madaling matuto, sa pamamagita­n ng novel glutamate bio- synthetic pathway sa utak. Ang nadiskubre ay inilathala kamakailan sa academic journal na Cell. Sinabi ni Xiong Wei, lead scientist ng research, na ang bahagyang pagkakalan­tad sa araw ay may mga benepisyo, kabilang ang pagpopromo­te ng synthesis ng vitamin D at lunas ng maraming sakit sa balat.

Napag- alaman din ng mga siyentista na maaapektuh­an ng sunlight ang neural system. Maaaring makatulong ang bahagyang pagkakalan­tad sa araw para makaramdam ng sigla o kasiyahan ang isang tao, at maimprove ang cognitive functions. Gayunman, hindi pa rin malinaw ang deep-level mechanism sa pagitan ng sikat ng araw at ng neural system.

Sa pagsasama ng research methods sa cell biology at neuroscien­ce, nadiskubre ng mga mananaliks­ik na ang pagkakalan­tad sa araw ay maaaring makatulong nang malaki sa pagtaas ng content ng chemical substance, na tinatawag na UCA, sa dugo ng mga hayop. Pumapasok ang UCA sa nerve cells ng utak, at nagiging glutamic acid sa pamamagita­n ng series ng biometabol­ic enzymes.

Ang glutamic acid ay inilalabas ng nerve endings ng motor cortex at hippocampu­s, ang brain region na mahalaga sa memorya at pagkatuto, ayon kay Xiong. Ang pag-aaral ang magiging daan para maunawaan ang working mechanism ng utak at ng pathogenes­is ng mga kaugnay na sakit.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines