Balita

Ni Digong Charina ibinuking Clarisse si Bong L. Go: Echaluce Gusto niya maging senador

- Ni Genalyn D. Kabiling

Ibinuking ni Pangulong Duterte na pangarap ng assistant niyang si Christophe­r “Bong” Go na maging senador balang araw, kahit pa paulitulit itong tumatanggi sa napabalita­ng kandidatur­a.

Tinukso ng Pangulo si Go tungkol sa ambisyong pulitikal nito sa oathtaking ng mga nanalong barangay chairman sa Region 4A sa Sta. Rosa, Laguna nitong Huwebes.

“Gusto niya patawag ng ‘Kuyang Bong Go.’ Ito gusto na ayaw, gusto naman pero denial,” sinabi ni Duterte, na umani ng halakhakan ng mga nakikinig.

“Pero ‘yung pangalan niya wala dito. Singit diyan oh, number three. Wala siya dito, eh. Pero isiningit niya dahil ambisyosa siya. Gusto niya maging senador,” dagdag pa ng Presidente habang ipinakikit­a ang kopya ng kanyang speech na nakasaad ang pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na dumalo sa event.

Nasa lugar si Go, na matagal nang napaulat na kakandidat­ong senador sa midterm elections sa susunod na taon.

“Alam mo ito si Bong, do not ever think that he is loyal to me. I do not encourage even in the military and the police about nurturing personal loyalty. I do not need it actually,” sinabi ni Duterte tungkol kay Go, na personal aide siya simula 1998.

“I won the election and I’m just trying to do what’s expected of me. Si Bong, he does not owe me anything and, if at all, he is there to serve government interest, period,” sabi pa ng Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines