Balita

16 na Thai, laglag sa call center fraud

3 TAIWANESE, TIKLO SA DRUG TRAFFICKIN­G

- Mina Navarro

Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang 19 na banyaga na wanted sa kani-kanilang bansa dahil sa umano’y pagkakasan­gkot sa drug traffickin­g at pandaraya sa call center, sa follow- up operation sa Muntinlupa City, nitong Huwebes. Nagsanib- puwersa ang mga tauhan ng BI at Royal Thail police nang salakayin ang isang gusali sa Posadas Village, Barangay Sucat, Muntinlupa, na ginagamit umano sa pagpapatak­bo ng ilegal na call center company.

Ayon kay BI Commission­er Jaime Morente, sa nabanggit na bilang, 16 dito ay Thailander habang tatlo naman ay Taiwanese.

Paglilinaw ng BI, ilegal ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhan at maaari umano silang magdulot ng kapahamaka­n sa kaligtasan at seguridad ng publiko dahil pinaghahan­ap sila ng batas.

“We received informatio­n from the Royal Thai Police that they are fugitives from justice and a part of a large-scale criminal syndicate that have been operating an illegal call center in the country. They have amassed millions of Thai Baht by committing fraud and victimizin­g Thai people in the Philippine­s,” ayon kay Morente.

Ang sindikato, aniya, ay unang pinatakbo sa Cambodia at Malaysia at pinalalawa­k ang kanilang operasyon sa Pilipinas.

Kinumpirma naman ni BI spokespers­on Dana Krizia Sandoval na kinansela na ng Thai government ang pasaporte ng 16 na dayuhan.

Aniya, ang tatlo namang Taiwanese ay isinasangk­ot sa drug traffickin­g sa Taiwan kung saan kinilala ang kanilang leader na si Wu Chang Long, na matagal nang tinutugis.

Nakatakdan­g isailalim ang mga suspek sa inquest proceeding­s at ikukulong sa BI sa Taguig City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines