Balita

PACMAN PA RIN!

-

WALA nang world title na tangan si Senator Manny Pacquiao. Ngunit, magpahangg­ang ngayon, nananatili siyang natatangin­g Pinoy athlete sa mata ng internatio­nal sports.

Sa ikatlong sunod na taon, kabilang ang tinagurian­g ‘Pacman’ at tanging boxer sa mundo na nakapagwag­i ng walong world division title sa Top 100 ‘Most Famous’ athletes sa inilabas na record ng pamosong ESPN Magazine.

Nasa No.63 si Pacquiao, naghahanda para sa pagbabalik aksiyon sa Hulyo 15 sa Jakarta, Malayia, at kabilang sa nahigitan niya ang mga pamosong atleta na tulad nina football’s Javier Hernandez ng Mexico, Thomas Muller ng Germany, Kylian Mbappe ng France at Alvaro Morata ng Spain, gayundin sina F1 superstar Lewis Hamilton ng England, NBA players Blake Griffin at Isaiah Thomas, tennis’ Caroline Wozniacki ng Denmark, Stan Wawrinka ng Switzerlan­d, Simona Halep ng Romania at golfer Justin Rose.

Mas lamang din si Pacquiai kina Sergio Garcia ng Spain, Rickie Fowler, Michelle Wie, figure skating’s Yuzuru Hanyu ng Japan, table tennis’ Zhang Jike at Ma Long ng China at swimmers Ning Zetao at Fu Yuanhui ng China.

Ang mga pamosong Asian athletes na nakaungos kay Pacquiao ay sina Chinese swimmer Sun Yang, badminton’s Saina Nehwal ng India, cricker star Virat Kohli, MS Dohni, Rohit Sharma, Suresh Raina at Yuvraj Singh ng India. Ang 29-anyos na si Kohli, naglalaro bilang batsman, ay nasa No.11.

Ayon sa ESPN, ginamit na batayan sa pagbibigay ng ranking ay ang tatlong factor – fame, endorsemen­t dollars, at google trend score.

Sinimulan ng ESPN Magazine ang survey sa pre-named ng mahigit 600 high- profile athletes sa mundo na kalauna’y ibinaba sa top 100.

Nangunguna sa listahan si Portuguese football icon Cristiano Ronaldo na may US$40 Million endorsemen­t at social media follower na 121.7 milyon. Nasa No.3 at No.4 ang dalawa pang footballs tar na sina Lionel Messi ng Argentina at Neymar ng Brazil. Sa kabuuan ng listahan, 33 football player angnakapso­k sa top 100.

Pangalawa si NBA four-time MVP LeBron James na may US$55 Million endorsemen­ts at social media following na 40.8 million.

Ang iba pang NBA player na may endorsemen­t deal na lagpas sa US$10 milyon ay sina Kevin Durant ($36 Million), Steph Curry ($35 Million), James Harden ($20 Million), Russell Westbrook ($15 Million), Damian Lillard ($14 Million), Derrick Rose ($14 Million), Dwayne Wade ($13 Million) at Kyrie Irving ($13 Million).

 ?? PSC PHOTO ?? INDIGENOUS PEOPLE! Binigyan halaga ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Indigenous People sa South Cotabato sa isinagawan­g IP Games at Forum sa temang ‘Restoratio­n the Heritage, Reliving the Past, Rekindling the Spirit’ simula kahapon sa Lake...
PSC PHOTO INDIGENOUS PEOPLE! Binigyan halaga ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Indigenous People sa South Cotabato sa isinagawan­g IP Games at Forum sa temang ‘Restoratio­n the Heritage, Reliving the Past, Rekindling the Spirit’ simula kahapon sa Lake...
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines