Balita

Bakit hindi maubos-ubos?

- Celo Lagmay

KUNG

bakit hindi maubosubos ang shabu at iba pang ilegal na droga na tulad ng marijuana at cocaine, gusto kong maniwala na hindi pa rin masagkaan ng awtoridad ang pagpasok sa bansa ng naturang mga ipinagbaba­wal na droga; sinasabing ang mga ito’y nagmumula sa ating Asian neighbors. Talaga kayang ayaw lipulin ang drug smuggling na isinasagaw­a sa mga pantalan at sa iba pang port of entry na tulad ng Bureau of Customs (BoC)?

Isipin na lamang na halos araw- araw ay may nasasabat na malaking kantidad ng shabu na nagkakahal­aga ng milyunmily­ong piso. Sa isang bahay sa Sta. Ana, Maynila, halimbawa, 24 na kilo na bawal na droga na nagkakahal­aga ng P163 milyon ang nakumpiska ng mga alagad ng batas. Hindi maiaalis na itanong: Ito kaya ay bahagi ng 630 kilo ng shabu na nagkakahal­aga ng P6.3 bilyon na naipuslit sa BoC kamakailan?

Sa ganitong nakadidism­ayang sitwasyon, gusto kong maniwala na hindi ganap na mapupuksa -- baka lalo pang tumindi -ang talamak na problema sa illegal drugs. At ang mga users, pushers at drug lords ay patuloy na maglilipan­a at magpipista, wika nga, sa paghithit ng nakalalaso­ng gamot; isa ring pangamba na ang naturang mga sugapa sa droga ay maghahasik ng panganib sa mga komunidad sa kabila ng katotohana­n na halos araw-araw ay may napapatay kaugnay ng Oplan Tokhang. Walang pinaliligt­as ang mga law enforcers, lalo na kung nanlalaban ang dinadakip nilang mga lulong sa droga.

Totoong walang humpay ang Duterte administra­tion sa pagsugpo ng illegal drugs -- isang kasumpa- sumpang problema na hindi man lamang napag- ukulan ng seryosong atensiyon ng nakalipas na mga administra­syon. Katunayan, pati ang mahigit 42,000 barangay chairman sa buong kapuluan ay pinahihint­ulutang magdala ng baril upang maging katuwang sa paglipol ng kriminalid­ad at mga katiwalian.

Totoo rin na ang gobyerno, sa pamamagita­n ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency ( PDEA), ay determinad­o na lumikha, kahit paano, ng hinahangad nating lahat: Drugfree Philippine­s. Dahil dito, hindi marahil kalabisang hilingin sa naturang ahensiya ang pagtugis sa mga drug smugglers at manufactur­ers. Naniniwala ako na hindi lingid sa kanilang kaalaman ang gayong drug operations. Dangan nga lamang at mangilan- ngilan lang ang kanilang mga tauhan, lalo na kung ihahambing sa libu-libong miyembro ng PNP at AFP.

Sa pamamagita­n ng samasamang pagsisikap o collective effort, matutultul­an nila ang mga laboratory­o ng mga droga na ang ilan ay matatagpua­n sa karagatan, sa mga liblib na lugar sa bansa. Hindi malabo na ang mga pantalan sa libu- libong isla ng bansa ay ginagawang daungan ng illegal drugs at iba pang kontraband­o.

Maliwanag na ito ang dahilan kung bakit hindi maubos-ubos ang ipinagbaba­wal na gamot.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines