Balita

Dahil sa bigas, self sufficient ang makapangya­rihan

- Ric Valmonte

“HI

NDI kailanman magiging self-sufficient sa bigas ang bansa,” wika ni Pangulong Duterte. Sinangayun­an naman ito ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque. Aniya, totoo ang sinasabi ng Pangulo tungkol sa kalagayan ng bigas sa ating bansa, pero hindi niya alam ang dahilan ng Pangulo kung bakit niya nasabi ito. “Marahil katotohana­n ito na nakabatay sa kasaysayan na lahat ng administra­syon ay nagtangkan­g gawing masagana sa bigas ang bansa, pero nabigo sila,” paliwanag niya. Ngunit, inihayag ni Department of Agricultur­e Secretary Emmanuel Piñol na sa taong ito ay magiging self-sufficient ang bansa. “Maliwanag na hindi ito mangyayari ngayon,” sabi ni Roque sa mga mamamahaya­g nang kumprontah­in hinggil sa sinabi ni Sec. Piñol.

Tama si Roque na katulad ng mga nakaraang administra­syon, bigo rin ang administra­syong Duterte na gawing self-sufficient sa bigas ang bansa. Ang pagmamalak­ing tinuran ni Sec. Piñol ay wala itong batayan. Ito ay fake news, dahil iisang programa ang kanilang pinairal. Nakasentro ito sa kaganiran at walang pagmamahal sa kapwa at bayan.

Wastong hakbang sana ang ginawa ng Pangulo nang hirangin niya si Rafael Mariano bilang Department of Agrarian Reform. Pinigil niya ang mga nais ng mga may-ari ng malawak na lupain, na iukol sa mga proyektong hindi sakop ng land reform. Nasa proseso siya na pairalin ang tunay na reporma sa lupa. Ibinalik niya ang mga magsasakan­g pinatalsik sa kanilang sinasaka. Ang layunin ng tunay na land reform ay ibigay ang lupa sa mga sumasaka nito. Ang nangyari, hindi kinumpirma ng Commission on Appointmen­ts ang kanyang pagkakahir­ang. Ayaw ng mga mambabatas ang ginawa ni Mariano.

Totoo na sa pagpapaira­l ng reporma sa lupa, nagpapamah­agi si Pangulong Digong ng mga titulo sa lupa sa mga magsasaka. Isasailali­m pa raw niya ang Boracay sa land reform. Kahit ba ibigay mo sa mga magsasaka ang lupang sinasaka nila kung hindi naman sila susuportah­an ng gobyerno, na nangyayari, darating ang araw na ibebenta rin nila ang lupa. Binigyan ang mga magsasaka, na mababahagi­an ng lupa sa Boracay, ng laya na ibenta o iparenta ang lupa makalipas ang sampung taon.

Bukod sa hindi tinutulung­an ng gobyerno, ang polisiyang pinaiiral nito ang kumakalaba­n sa mga magsasaka. Isa na rito ang import liberaliza­tion. Binubuhay ng gobyerno ang mga magsasaka ng ibang mga bansa. Hindi na tayo tumigil sa pagangkat ng bigas. Ang gobyerno, sa pamamagita­n ng National Food Authority, ay aangkat na naman ng 200,000 metric ton na bigas sa Vietnam. Sa kaganiran din ng iba ay nagpupusli­t ng bigas sa bansa tulad ng bigas buhat sa Thailand na nasabat sa Bureau of Customs. Ang talagang programa sa bigas, kahit anong administra­syon ito, ay nabubuhay sa miserablen­g buhay ng taumbayan. Sinasamant­ala ang kanilang kagutuman.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines