Balita

Eid’l Fitr, pagdiriwan­g matapos ang Ramadhan

- Clemen Bautista

NGAYONG

2018, mahalaga ang ika-15 ng Hunyo para sa mga kapatid nating Muslim sa iniibig nating Pilipinas at maging sa buong daigdig sapagkat ipinagdiri­wang nila ang EID’L FITR - isang pagdiriwan­g matapos ang Ramadhan o isang buwang pag-aayuno. Ang Eid’l Fitr ay natatapat sa unang araw ng Shawwal, ang buwan na sumunod sa Ramadan sa kalendaryo ng Islam.

Ang Eid’l Fitr ay isang regular holiday batay sa Republic Act No. 9177 na ang author sa Senado ay si Senador Loren Legarda. Sa House version, ang mga author naman ay sina dating Sulu Representa­tive Gerry Salapudin, ng Mindanao; Nur Jaafar, ng Tawi-Tawi; Munir Arbison, ng Sulu; Banasing Macarambon­g, ng Lanao del Sur; at Mamintal Adiong, ng Lanao del Norte.

Mula nang maisabatas ang RA 9177, ang pagdiriwan­g ng Eid’l Fitr ay naging national holiday. Layunin nito na mapalawak ang kultura ng pagkakauna­waan at pagkakaisa.

Ang mga kapatid nating Muslim, kabilang ang mga Muslim sa Rizal, ay nagtungo sa mga piniling lugar para sa kanilang congregati­onal o samasamang pagdarasal matapos ang bukang- liwayway. Sa Maynila, nagtungo sa mosque sa Quiapo at sa mosque sa Taguig City. Sa eastern Rizal, ang mga kapatid natin Muslim ay nagpunta naman sa kanilang mosque sa Barangay Batingan, Binangonan, Rizal.

Ang Eid’l Fitr ay isa sa mahahalaga­ng religious event sa Islam na ang mga muslim, bilang bahagi ng pagdiriwan­g, ay nagbibigay at nagbabahag­i ng pagkain sa mahihirap na kapitbahay, mga kamag-anak, at kaibigan. Nag- aalay ng panalangin para sa kapayapaan at pagkakaisa ng pamayanan. At katulad ng Pasko ng mga Katoliko, ang mga batang Muslim ay nakatatang­gap ng regalo mula sa kani-kanilang magulang at mga kamag-anak. Ang pagbibigay ng regalo ay bahagi ng kanilang papuri kay ALLAH, tawag sa Diyos ng mga Muslim, sa lahat ng mga biyayang kanilang natanggap.

Matatandaa­n na mula noong Mayo 15, sinimulan ng mga kapatid nating Muslim ang Ramadhan. Isang sakripisyo mula bukang- liwayway hanggang takip-silim o paglubog ng araw. Ang isang buwang pag- aayuno ay tinampukan ng mga ritwal tulad ng Subu o morning prayer; Suhur o almusal bago mag- 4: 00 ng madaling araw; at Magrib o sunset prayer na parang Angelus ng mga Katoliko. Ang Magrib ay sinusundan ng pag- inom ng juice o ng tsaa. Pagkatapos, pinagsasal­uhan ang tinapay at Putil o isang masarap na pagkain para sa hapunan.

Idinaraos ang Ramadhan taun- taon ng mahigit isang bilyong Muslim sa buong daigdig, kabilang na rito ang sampung milyong Muslim sa Pilipinas. Bagamat mahirap, ginagawa nila ang Ramadhan bilang pagsuko sa Panginoon. Pagtupad ito sa utos ng Daklang Allah na nakasulat sa Koran - ang Bibliya ng mga Muslim. Ang kahalagaha­n ng pag-aayuno ay ang pagbuo ng kamalayan kay Alllah sa puso at kaluluwa ng mga nag-aayunong Muslim.

Ang salitang Eid’ Fitr ay hango sa salitang Arabic na EID at AL FITR. Ang EID ay nangangahu­lugan ng busilak, at ang kahulugan naman ng AL FITR ay fast breaking o pagtatapos ng pagaayuno. Kapag pinagsama ay nangangahu­lugan ng festival o pagdiriwan­g.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines