Balita

Sharon nagpaka-fan girl sa Korea

- Ni NITZ MIRALLES

SASouth Korea nagbabakas­yon si Sharon Cuneta kasama ang kanyang pamilya, at isa sa mga pinuntahan ng aktres ang mga lugar na ginamit na location ng Goblin, ang hit Korean drama ng super favorite niyang si Gong Yoo.

Nakakatuwa ang pagpapafan­girling ni Sharon. Akala namin ay si Anne Curtis na ang numero unong Filipino fan ni Gong Yoo, pero wala siyang panama kay Sharon. Inangkin na nang tuluyan ng Megastar ang Korean actor. Ang nakatutuwa, hinahayaan lang si Sharon ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Noon ngang Mother’s Day ay may nagregalo kay Sharon ng pillow na may face ni Gong Yoo. May nagbigay din ng key holder, at niregaluha­n din siya ni Sherilyn Reyes Tan ng bag na may mukha ni Gong Yoo.

Ipinost din ni Sharon ang long pillow na may iba’t ibang mukha ni Gong Yoo, habang yakap ito ng natutulog niyang mister na si Senator Kiko Pangilinan.

“Proof! Na okay lang sa aking si Kikyoo na katabi namin ang aking lab na si Gong Yoo. Ginawang patungan ng kamay. Ayoko na magreklamo kasi baka sa bathtub kami patulugin ni Oppa Yoo,” post ni Sharon.

Nakakatuwa rin ang post ni Sharon nang pumunta siya sa isa sa location ng Goblin: “Kung saan unang nagkasalub­ong si Goblin (Gong Yoo) na nakapayong at si Ji Eun Tak! (Paglampas namin: Kakie: Mama, you’re breathing the same air! Me: I know! So exciting! Teka... amoy wiwi! Ngek. Buti lagpas na kami sa linakaran nila!”

Ha, ha, ha!

 ??  ?? Sharon
Sharon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines