Balita

Maricel Laxa, ‘di nahindian si Peque Gallaga

- Ni JIMI C. ESCALA

MAGBABALIK- SHOWBIZ ang magaling na actress-TV host na si Maricel Laxa-Pangilinan.

Ito ang ibinalita mismo ni Maricel, bagamat wala pa siyang ibinigay na detalye kung anong klaseng project ang gagawin niya. Ayon sa aktres, si Direk Peque

Gallaga ang kumukumbin­si sa kanya, kaya naman tinanggap na niya ang proyekto.

“Pumayag na ako kay Direk Peque and I can’t say no kasi naexcite ako. Maganda ‘yung project at pati ang role ko, eh, gusto ko,” sabi ni Maricel.

Habang hinihintay ni Maricel kung kailan mag- uumpisa ang pagbabalik-showbiz niya, sinabi ng aktres na masaya siya ngayon sa pagiging “stage mother” kay Donny Pangilinan.

“I’m most happy behind the scene, supporting my family. Seeing Donny the best that he can be,”sey pa ni Maricel.

Aware din siya sa mga intrigang ibinabato sa anak niyang si Donny sa social media.

“Handa na rin kami na hindi lahat, eh, maganda ang sasabihin nila. Meron din naman na hindi natutuwa, namba-bash and that’s all part of it. But there is one thing I want Donny to remember, regardless of what happens in his circumstan­ces dapat buo siya. Dapat alam niya ang value niya,”sabi ni Maricel.

Ilang taon na ring hindi aktibo sa showbiz si Maricel, pero enjoy siya sa role niya ngayon bilang stage mother kay Donny.

“Kapag sinasabi nilang stage mother ka, yes na yes ako. I’m stage mother and I’m proud of it. Dugo’t pawis ko ang ibinigay ko diyan. So, why not celebrate it,” sabi pa ng misis ni Anthony Pangilinan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines