Balita

Shooting ng ‘Victor Magtanggol‛ apektado ng habagat

- Alden Nora V. Calderon

NAG- RELEASE na ang GMA Network ng ilang behind-the-scenes (BTS) shots ni Alden Richards sa pinakabago niyang action-dramafanta­sy series na Victor Magtanggol, kaya naman marami nang fans ang excited nang m mapanood ito.

Todo aksiyon talaga si Alden, na ang mga eksena ay kinunan sa isang palengke sa Project 4, Quezon City, kung saan makikita siyang madungis habang nakikipagl­aban sa mga goons.

Pero apektado ng pag-uulang dulot ng habagat ang taping ng Victor Magtanggol. Ilang araw nang umuulan at mahirap talaga kapag exterior ang shoot nila.Three days a week ang taping nila at this week, hindi sila natapos mag-taping ng ilang sequences dahil sa labas ang shoot nila.

Madalas ay magpapatil­a sila ng ulan, pero kapag ready na sila ulit to shoot ay biglang babagsak uli ang ulan. Kung kaya pa nila ang ulan, tuloy ang taping.

Medyo mahirap din daw kung ang shoot naman ay interior tapos uulan, nasasagap ng sound recording ang bagsak ng ulan. Kaya sa halip na makatapos sila agad, naghihinta­y pa rin silang tumila ito.

Hopefully raw na ngayong medyo gumaganda na ang panahon, ay magtuluy-tuloy na ang taping nila.

Marami nang nagtatanon­g kung kailan ipalalabas sa GMA primetime ang Victor Magtanggol, pero wala pang advise ang network. Mukhang gusto muna nilang mag-ipon ng mga eksena, dahil dalawang units daw ang gamit nila ngayon.

Soon, ire-release na rin nila kung sinu-sino pa ang ibang makakasama ni Alden sa serye, na idinidirek ni Dominic Zapata.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines