Balita

Kris, balik-shooting agad

- Kris Reggee Bonoan

BUMABA na ang blood pressure ni Kris Aquino, kaya naman habang sinusulat namin ang balitang ito ay nasa shooting na ulit siya ng I Love You, Hater.

Nakapagpah­inga naman sa buong maghapon hanggang gabi ang Queen of Online World at Social Media kaya kumalma na ang BP niya.

At kahapon ay maaga ang call time (8:00 am) ng aktres, kaya maaga siyang nakapag-update sa kanyang followers sa Instagram.

Post ni Kris kahapon ng umaga: “Early call—getting ready for shooting. I don’t take for granted all I’ve been blessed with yesterday the newest box office director @ayrin personally gave me 2 of her books.

“Sid & Aya is now a certified blockbuste­r & I’m definitely watching tomorrow. I cannot wait to see why my friends & co-workers have been RAVING about the performanc­es of @ dongdantes & @annecurtis­smith. We met w/ @visioneric­kson & @nix722 for a brainstorm­ing merienda.

“The scenes from I Love You Hater I shot Wednesday w/ @garciajosh­uae & tito Ronaldo Valdez were so emotionall­y raw for me that unfortunat­ely my BP reached 160/120- if you watch our movie on July 11 you will most likely understand

why. Have a peaceful long weekend ahead of you.”

Samantala, makalipas ang tatlong taon ay muling dadalo sa presscon si Kris. This time, para sa pelikulang I Love You, Hater nila nina Julia

Barretto at Joshua Garcia, na gaganapin sa Dolphy Theater sa Lunes.

Matatandaa­n na ang huling presscon na dinaluhan ni Kris ay para sa pelikulang All You

Need is Pag-Ibig, kasama sina Derek Ramsay, Ian

Veneracion, Xian Lim, Jodi Sta. Maria, at Pokwang, na idinirihe ni Antoinette Jadaone para sa Star Cinema.

Kaya asahan na sa muling pagtuntong ni Kris sa Dolphy Theater ay magbabalik-tanaw siya dahil na-miss niyang mag-presscon ng pelikula.

Nakatitiya­k din kaming maraming bukingang mangyayari kina Julia at Joshua, dahil tiyak na idadaldal sila ni Kris. At the same time, ibubuking din siya ng dalawa tungkol sa mga naganap sa shooting nila. Ilang tulog na lang at mapapanood na ang I Love You,

Hater sa July 11, sa direksiyon ni Giselle Andres, produced ng Star Cinema.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines