Balita

‘Sa criteria, ‘di puwede ang volleyball sa Asiad’ -- Velasco

- Annie Abad

NILINAW ng Philippine Sports Commission ( PSC) na wala silang kinalaman sa pagpili ng mga manlalaro o delegasyon na sasabak sa Asian Games sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Palembang, Indonesia.

Ayon kay PSI National Director Marc Velasco, ang tanging papel ng PSC ay ang pagbibigay ng pondo para tugunan ang pangangail­angan ng mga lalahok gaya ng hotel Accomodati­on, airfare, equipments, uniforms kasama na rin ang training ng mga ito bago pa man ang nasabing kompetisyo­n o mga exposures kung saang bansa sila maglalaro bago ang mismong quadrennia­l meet.

Ayon kay Velasco ang naging pahayag ng ahensiya hingil sa pagsabak ng women’s volleyball team sa Asiad ay batay sa ginawang ‘ criteria’ ng dating Chief de Mission na si Julian Camacho.

‘ Sa criteria para sa selection ng team member sa Philippine delegation sa Asiad, at least gold or silver medalist sa Sea Games o sa mas malalaking internatio­nal competitio­n,” sambit ni Velasco.

“Hindi sa ayaw namin, sinabi namin ito ang criteria at base sa criteria, hindi sila kasama ( volleyball),” aniya.

Napalitan ni Richard Gomez si Camacho matapos magbitiw ang huli dulot nang kabiguan ni Peping Cojuangco kay Ricky Vargas sa re- election sa POC. Ngunit, hindi naman umano binago ni Gomez ang criteria.

Naipahayag ni Gomez na nais niyang isama ang women’s volleyball bilang exposure sa team sa Asian Games. Sa nakalipas na SEA Games kumain ng alikabok ang koponan.

Dahil sa naipahayag ni Gomez, kaagad na nagbuo ng team ang LVPI

( Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc.) na binubuo nina Allyssa Valdez, Frances Xinia Molina, Charlene CruzBehag, Aleona Denise Santiago- Manabat, abigail Marano, Mary Joy Baron, Mika Aereen Reyes, Alyja Daphne Santiago, kim Kianna Dy, Kim fajardo, Julia Melissa Morado at Dawn Nicole Macandili.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines