Balita

Painters, puntirya ang s’finals slot

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (MOA Arena) 4:30 n.h. -- Phoenix vs Rain or Shine 6:45 n.h. -- San Miguel Beer vs. TNT

PATIBAYIN ang kapit sa liderato para sa asam na isa sa top 2 spots na may kaakibat na outright semifinals berth ang tatangkain ng namumunong Rain or Shine sa pagpapatul­oy ngayon ng 2018 PBA Commission­ers Cup sa MOA Arena sa Pasay.

Hawak ang markang 7-1, patatatagi­n ng Elasto Painters ang kanilang pamumuno sa pagsagupa nila sa Phoenix sa unang laro ngayong 4:30 ng hapon.

Kasunod nito ay magtutuos naman ang nakaraang taong finals protagonis­ts San Miguel Beer at TNT Katropa ganap na 6:45 ng gabi.

Huling tinalo ng Rain or Shine ang Blackwater sa nakaraan nilang laban sa pamamagita­n ng came from behind 104-94 na panalo.

Sa kabilang dako, sisikapin naman ng Fuel Masters na makaahon sa kinahuluga­ng tatlong dikit na kabiguan, pinakahuli noong nakaraang Hunyo 10 sa kamay ng Columbian Dyip sa iskor na 107-115 na nagbaba sa kanila sa barahang 3-6.

Sa tampok na laro, naghahabol din sa top 2, magkukumah­og na makabangon mula sa natamong huling kabiguan sa kamay ng Magnolia ang Katropa sa pagharap nila sa Beermen na gaya nila ay galing din sa kabiguan sa nakaraan nilang laro.

Dahil sa 89-11 na kabiguan sa Hotshots noong Miyerkules, bumagsak ang TNT sa third spot hawak ang 6-2 na rekord habang nalaglag naman sa 3-4 na kartada ang Beermen sanhi ng 94-98 na kabiguan sa Globalport Batang Pier.

Bagamat, lumabo sa tsansa nila sa top 2, pinanghaha­wakan ng Beermen ang buhay pa ring pag-asa na makapuwest­o na no. 3 o 4 patungo sa playoff round.

“Ang maganda nito, dikit-dikit ang standings, so puwede pa kaming humabol sa 3 or 4. Pero siyempre kailangan naming ayusin ang laro namin lalo na sa defense, “pahayag ni Beermen veteran forward Arwind Santos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines