Balita

Jolo at Jodi, 8 years na

- Ni REGGEE BONOAN

KAARAWAN ni Boss-Ma’am kahapon, Hunyo 16. Boss-Ma’am ang tawag ng karakter ni Robin Padilla kay Jodi Sta. Maria sa pang-umagang serye nilang Sana Dalawa Ang Puso.

Nabasa namin nitong Biyernes ng hatinggabi ang mensahe ng isa sa pinakamala­lapit sa puso ni Jodi na si Cavite Vice Governor Jolo J Revilla, at nag-post gp pa p siya ng litrato ng aktres sa kanyang Instagram account.

“I wish you all the happiness in this world that you deserve. Thank you for bringing out the best in me. Thanks for the wonderful 8 years! Happy birthday Jods! God Bless always!” post ni Jolo.

Umabot sa 3,963 likes at may 125 komento na pawang well-wishers ang nasabing post. Karamihan ay nagsasabin­g paborito nilang artista si Jodi dahil walang kupas ang husay nito sa pag-arte.

Anyway, akala namin ay kami lang ang nakapansin­g sumobra na ang payat ni Jodi, base sa napapanood

namin sa S2P. Marami rin sa mga litrato niya sa Instagram ay kitang kita na sobrang nipis na ng katawan niya, at may nagsabi nga na “buto’t balat” na ang aktres at hindi na bagay sa kanya. Inisip namin na baka hirap si Jodi na gampanan ang dalawang karakter niyang sina Mona at Lisa sa nasabing morning serye kaya yp pumayat y siya nang ganun, pero may nagsabi namang, “Naku hindi kumakain kasi, nagda-diet.” Sana may ma magsabi kay Jodi na hindi na bagay sa kanya ang sobrang payat, at hindi na rin magandang maganda panoorin siya sa TV sa ganung katawan niya Going back to Jolo, tapos na niyang i-shoot ang pelik pelikulang 72 Hours, na produced ng Imus Production­s at a planong isali sa Pista ng Pelikulang Pelikulan Pilipino sa s Agosto.

 ??  ??
 ??  ?? Jolo at Jodi
Jolo at Jodi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines