Balita

Sino si ‘Rogelio’? Taga -‘Norwegia’?

- Argyll Cyrus B. Geducos

Bente kuwatro oras lang ang nakalipas nang muling mag-trending ang Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) sa isa pang maling post nito sa social media, makaraang tawaging “Rogelio” ang pumanaw na si dating National Security Adviser Roilo Golez.

Pinagpiyes­tahan na naman ng mga netizens ang pagkakamal­i ng PCOO, sa ikalawang sunod na araw, matapos ang post nito sa Twitter post na nagsasaad na Rogelio ang pangalan ng dating kongresist­a ng Parañaque City. Gayunman, Jose Roilo ang tunay na pangalan ni Golez.

Nai-post din sa Facebook page ng PCOO ang nasabing pagkakamal­i nang ibalita ng ahensiya ang tungkol sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa burol ni Golez sa The Heritage Park Mortuary and Crematory sa Taguig City nitong Huwebes.

Sa katunayan, hiniling pa ng anak ni Golez, si Parañaque City Vice Mayor Rico Golez, sa PTV-4 na iwasto ang nasabing pagkakamal­i.

“My father’s name is Jose Roilo S. Golez. Kindly make the necessary correction if possible. Thank you very much,” tweet ng nakababata­ng Golez.

Kaagad namang iwinasto ng PCOO ang pagkakamal­i, pero gaya ng dati ay pinagkatuw­aan na ito ng mga netizens, at may nagtanong kaagad sa tanggapan kung si “Rogelio Golez” ba ay mula sa “Norwegia”.

Matatagpua­n din ang nasabing pagkakamal­i sa caption ng mga opisyal na litrato na ipinadala ng Presidenti­al Photograph­ers Division (PPD) sa mga mamamahaya­g.

Bukod naman sa PCOO, ilang pribadong media outfit ang naglathala ng kaparehong pagkakamal­i sa kani-kanilang website at social media account nang gamitin nila ang litrato.

Maraming netizens naman ang nagpahayag ng pagkadisma­ya sa PCOO, dahil katatapos lang nitong maging laman ng mga balita dahil sa pagkakamal­i, makaraang tawaging “Norwegia” ang bansang Norway.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines