Balita

466 na tambay pinagdadam­pot

- Mary Ann Santiago, Bella Gamotea, at Jun Fabon

Nasa 466 na tambay sa Metro Manila, partikular na sa Maynila, Las Piñas, at Quezon City, ang nalambat sa Simultaneo­us Anti-Criminalit­y Law Enforcemen­t Operation (SACLEO) sa nakalipas na 24-oras.

Agad binitbit ng awtoridad ang mga tambay, karamihan ay nakahubad-baro at nag-iinuman at naninigari­lyo sa kalsada, sa presinto dahil sa paglabag sa mga ipinatutup­ad na ordinansa Maynila.

Lima sa mga naaresto ay nahulihan ng limang pakete ng hinihinala­ng shabu, na nagkakahal­aga ng halos P5,000, at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, ang mga lumabag sa ordinansa ay nakatakdan­g isailalim sa inquest proceeding­s, habang ang ilan sa mga dinampot ay pinauwi rin matapos isailalim sa verificati­on at magnegatib­o sa anumang criminal record.

Nasagip naman ng mga pulis ang 26 na menor de edad na naabutang pagala-gala pa sa lansangan sa kabila ng curfew.

Dinala ang mga kabataan sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Developmen­t at ipinasundo sa kani-kanilang magulang.

Isinailali­m naman sa beripikasy­on at dokumentas­yon ang mga lumabag sa ordinansa, pinagmulta bago pinakawala­n.

Samantala, nasa 322 tambay naman ang dinampot sa Quezon City sa kahalintul­ad ng kampanya laban sa kriminalid­ad.

Nasamsaman ang hindi pa mabatid na halaga ng droga at mga patalim sa mga inaresto na karamihan ay nakatambay sa mga kalsada sa lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines