Lorenzana kay Joma: ‘Di mo mapipilit ang peace talks
Binalaan kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Communist Party of the Philippines founding chairman Joma Sison na hindi niya mapipilit si Pangulong Duterte na bumalik sa negotiating table sa pamamagitan ng all-out offensive laban sa gobyerno.
“Mr Sison is acting like a spoiled brat, which he is, and proves that he is very out of touch with reality here. Instead of rationally talking with our Panel to discuss how to move forward the resumption of the peace talks, he goes into tantrum and orders the NPA to wage a people’s war,” sabi ni Lorenzana.
“So you think you can force the government to the peace table by waging war? Dont understimate President Duterte,” dagdag niya.
Nag-react si Lorenzana sa huling pahayag ni Sison na sinabing dahil sa suspensiyon ng usapang pangkapayapaan, wala silang magagawa kundi bayaran ang ‘people’s war for national and social liberation’.
Ito ay matapos akusahan ni Sison ang administrasyong Duterte ng pagsuspinde sa usapang pangkapayapaan na nakatakda sana sa huling linggo ng Hunyo.
Sinabi ni Lorenzana na madali para kay Sison na hilingin ang mas pinaigting na atake dahil siya ay nasa The Netherlands.
Samantala, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kailangan bigyan ng sapat na panahon ang public consultation na may kinalaman sa back channel talks ng CPP-NPA.
AyonsaAFP,itoanggustoniPangulong Duterte na pansamantalang ipagpaliban sa usapang pangkapayapaan.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, may basehan ang Pangulo dahil mas magiging katanggaptanggap sa publiko ang pag-uusap kung mas matagal itong pag-aaralan.