Balita

Order of Sikatuna para sa outgoing Norwegian envoy

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sa gitna ng posibleng pagbuhay sa usapang pangkapaya­paan sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng komunista, iginawad ni Pangulong Duterte ang Order of Sikatuna kay outgoing Norwegian Ambassador Erik Førner dahil sa pagsusulon­g nito ng kapayapaan sa Pilipinas.

Sa inilabas na larawan ng Palasyo, mismong ang Pangulo ang bumati at naggawad sa Norwegian envoy ng ranggong Datu sa isang farewell call sa Malacañang, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Malacañang, kinikilala ng Pangulo ang pagsisikap ni Førner para sa pagpapalaw­ig ng kooperasyo­n ng Norway at Pilipinas para sa kapayapaan, kaunlaran at kasaganaha­n ng bansa at ng rehiyon.

Ang Order of Sikatuna ay ang highest diplomatic merit na ibinibigay ng Pilipinas para sa indibiduwa­l na nabigay katangitan­gi at kapuri-puring serbisyo sa bansa.

Ayon sa Malacañang, sinabi ni Førner na kabilang ang Norway sa Philippine­s-Free Trade Agreement (FTA) na nagsimula nitong Hunyo 2018.

Enero ng nakaraang taon, iginiit ni Førner ang kahalagaha­n ng pakikipagd­ayalogo bilang mahalagang bahagi ng proseso sa kabila ng kaguluhan at matinding ‘di pagkakasun­do.

Aniya, alam nang Norway ang pagkakaiba ng pamahalaan ng Pilipinas at ng mga Komunista na dapat malampasan, ngunit kumpiyansa umano ang bansa na ibibigay ng magkabilan­g panig ang kanilang buong pagsisikap upang makahakban­g pasulong ang usapin.

Bilang tagapamagi­tan sa peace talks simula pa noong 2001, sinabi ni Førner na magpapatul­oy ang suporta ng Norway sa mahabang panahon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines