Balita

2 ‘carnapper’ utas sa police ops

- Bella Gamotea at Mary Ann Santiago

Timbuwang ang dalawa umanong carnapper sa magkahiwal­ay na insidente sa Parañaque City at Antipolo City, nitong Biyernes ng gabi.

Binawian ng buhay sa San Juan De Dios Hospital si Roderick Paulino, nasa hustong gulang, sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Nilalapata­n din ng lunas sa nasabing ospital ang mga vendor na na sina Luz Mendonez, 57; Joan Casilao, 32; at Mary Lingat, 21, gayundin sina Erlinda Mujico; at Bernard Guillermo, kapwa pedestrian, matapos silang masagasaan ng isang silver Toyota Avanza (BF 9271) na minamaneho ni Paulino.

Naganap ang insidente sa panulukan ng Roxas Boulevard at Service Road, malapit sa Redemptori­st, Baclaran, dakong 7:20 ng gabi.

Nakita umano ni PO2 Aivan Aliani, ng Police Community Precinct (PCP) 5 ng Pasay City Police, ang kanyang nakarnap na sasakyan nitong Hunyo 11 at minamaneho ng isang lalaki sa lugar kaya agad nitong nilapitan at kinumpront­a.

Sa halip na makipag-usap, pinaharuro­t ni Paulino ang sasakyan at tuluyang tumakas kaya hinabol ito ni Aliani.

Napilitang si Aliani na barilin ang suspek, na tinamaan sa ulo, habang inaararo nito ang mga tao sa kalsada.

Patay din ang isa sa dalawang carnapper nang manlaban umano sa mga pulis matapos agawin ang isang motorsiklo ng isang senior citizen sa Antipolo City, Rizal.

Gayunman, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakil­anlan ng napatay na suspek habang tinutugis pa ang kasabwat nito.

AyonkaySup­t.VillaflorB­annawagan, hepe ng Antipolo police station, bago ang engkuwentr­o ay sakay sa motorsiklo ang biktimang si Renato Sablaya, 63, at pauwi na sana sa Oliveros Street, sa Barangay Dela Paz, Antipolo City nang harangin ng mga suspek, dakong 11:30 ng gabi.

Tinutukan siya ng baril ng mga suspek at sapilitang inagaw ang kanyang motorsiklo.

Nang makahingi ng tulong sa pulisya ang biktima, agad naglatag ng drag net operation ang mga pulis sa Sumulong Highway sa Bgy. Sta. Cruz.

Namataan ang dalawang suspek na sakay sa ninakaw na motorsiklo at nakipagbar­ilan sa awtoridad.

Nabawi sa ang motorsiklo ng biktima (1915 UZ); isang Armscor 202 caliber .38 revolver; at isang maliit na pouch na naglalaman ng anim na pakete ng umano’y shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines