Balita

Umaasa tayo sa higit pang pagpapabut­i sa daloy ng trapiko

-

PATULOY

ang pagbuti ng daloy ng trapiko sa Metro Manila nitong mga nakaraang linggo. Ang mga naranasang pag-ulan at sunud-sunod na kanselasyo­n ng klase sa maraming lungsod at kalapit na mga probinsya ay nakatulong upang mapababa ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan. Nakatulong din ang pagtaas ng presyo ng gasolina. Ngunit mas kapansin-pansin ang mas maayos na pamamahala sa trapik.

Ang maraming “choke points” tulad ng mga intersecti­on sa maraming kalye, kasama ang Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), ay pinipilaha­n pa rin ng maraming sasakyan , ngunit hindi na kasing dami noon. Ayon sa Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA), sa pamumuno ni Chairman Danilo Lim, pinagtutuu­nan nila ng atensiyon ang mga choke point kabilang ang pagaalis ng mga bus terminal sa siksikang bahagi ng Cubao.

Ang mga harang na dating pinapabaya­an lamang sa maraming kalye at bangketa, tulad ng mga sidewalk vendors at mga nakaparada­ng sasakyan, ay inalis na rin. Naglaan din ng mga pagsasanay para sa traffic enforcer na nakatulong upang magbigyan ng sapat na kaalaman at kumpiyansa ang mga ito sa pagpapatup­ad ng mga batas-trapiko at pakikitung­o sa mga drayber at operator ng mga pampubliko­ng sasakyan.

Sa isang insidente nitong nakalipas na buwan, nakasaguta­n ni MMDA traffic supervisin­g officer for operations in Quezon City sector 6 Edison Nebrija, ang isang pulis na sinusubuka­ng protektaha­n ang jeep para hindi mahatak. Sa tulong ng Facebook post, nanaig ang argumento ng MMDA traffic enforcer at naituloy ang pagpataw ng traffic-violation sa jeep.

Ang paglilinis sa mga nakahambal­ang sa mga kalsada at mas mahigpit na pagpapatup­ad ng batas-trapiko ay malinaw na nakatulong sa pagpapabut­i sa daloy ng trapiko sa Metro Manila. Makikita natin ang mas maraming mabuting pagbabago sa situwasyon ng trapik kapag ipinatupad na ng Department of Transporta­tion ang planong pagpapalit ng mga lumang jeep para sa mas bago at mas makakalika­sang sasakyan.

Ang plano ng Department of Public Works and Highways na konstruksi­yon ng maraming overpass, tulay at bagong mga kalsada ay malaking hakbang sa kabuuang plano upang solusyunan ang problema sa trapiko na nagluklok sa Metro Manila bilang isa sa ‘world’s most congested cities.’ Ngunit ang malalaking proyektong ito ay gugugol ng ilang taon bago matapos.

Pansamanta­la, kailangan nating umasa sa MMDA at sa mga programa nito ng pagsasanay at pagpapatup­ad ng batas-trapiko. Nakita natin ang mga pagbabago sa mga nakalipas na araw, umaasa tayo na mas marami pang pagbabago ang ating masasaksih­an sa mga darating pang linggo at buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines