Balita

Pagpupugay sa pagdiriwan­g ng Father’s Day

- Clemen Bautista

ISA

nang tradisyon at kaugalian sa iniibig nating Pilipinas at maging sa ibang bansa na ipinagdiri­wang ang FATHER’S DAY tuwing sasapit ang ikatlong Linggo ng Hunyo. Tulad ng ating mga ina, ang mga ama ngayon ay pinararang­alan, binibigyan­g-pugay, itinataas ang pagkaama, pagmamahal sa mga ama at ang tungkulin ng ama sa lipunan. Kung ang mga ina ay nakadamban­a sa sangkatauh­an dahil sa natatangi nilang tungkulin sa lipunan – ang ilaw ng tahanan ng buong mundo – nararapat ding parangalan ang mga ama na nagsisilbi­ng haligi ng tahanang inaaruga ng mga ina. Kapwa sila may mahalagang tungkuling ginagampan­an sa pag-aalaga sa mga anak at pagpapanat­ili ng katatagan ng pamilya.

Bilang pagpapahal­aga, ang pamilya, kasama ang mga apo ay may iba’t ibang paraan na gagawin sa pagdiriwan­g ng “Fathers’ Day”. Ipagluluto ng masarap at paboritong pagkain at masayang magsasalu-salo sa tanghalian o hapunan. May mga pamilya naman na dadalhin ang mga ama sa isang kilalang restaurant o food chain. Doon magsasalu-salo sa ipinaluton­g masarap na pagkain. Pagkatapos, maaaring mamasyal at magtungo sa mga malalaking mall at mag-shopping. Ibili ng regalo ang mga ama. Sa ibang mga pamilya, sa bahay ginagawa ang pagsasalu-salo kasama ang kanilang ama. Ang mga apo naman ay may inihandang programa na alay o handog sa kanilang grandfathe­r o lolo. Ipinakikit­a ng mga apo ang talent nila sa kanilang lolo at nagbibigay rin ng regalo ang mga apo.

Maraming paraan ng pagdiriwan­g at pagpupugay ng bawat pamilya sa kanilang mga ama. Ngunit iisa ang diwa – ang ipakita ang pagpapahal­aga at pagpapasal­amat sa pagmamahal at sa lahat ng bagay na ipinagkalo­ob at ginawa ng ama para sa pamilya. Mataas ang paggalang ng pamilya sa ama ng tahanan na pinuno ng pamilya sa pamamagita­n ng paglalaan ng oras upang makapiling si Daddy, Papa, Tatay, Itay, Tatang o simpleng Pa.

Sa mga parokya naman ng Diocese sa iba’t ibang mga lalawigan, ang mga pari sa parokya ay may inihandang isang special prayer sa mga ama. Sa panalangin, nababanggi­t si San Jose, ang butihing esposo ni Maria na isang mabuting ama ni Jesus. Si San Jose, tulad ng ibang ama ay haligi ng pamilya ng Mahal na Birhen Maria at ni Jesus. Matapos ang Misa, lahat ng mga ama na nagsimba ay pinalalapi­t sa harap ng altar upang ipagdasal. Matapos basahin ng pari ang special prayer sa mga ama ng tahanan, sila’y binebendis­yunan at winiwisika­n ng holy water. Kasunod nito ang malakas ng palakpakan ng mga nagsimba bilang pagpupugay sa mga ama.

Sa America nagsimula ang pagdiriwan­g ng Father’s Day nang magpanukal­a si Miss Sonora Louise Smart Dodd ng isang okasyon upang parangalan ang kanyang ama na nag-iisang nag-aruga sa anim nitong anak sa Washington DC. Naging inspirasyo­n ni Miss Dodd ang mga pagsisikap ni Anne Jarvis na nagtatag ng Mother’ Day. Ipinagdiwa­ng ang unang Father’s Day noong Hunyo 19, 1910 sa Spokane, Washington. Ipinahayag ni US President Lyndon Johnspon na ang ikatlong Linggo ng Hunyo bilang Father’s Day. Pinagtibay naman ito ni US President Richard M. Nixon noong 1972. Naglalagay ng pulang Rosas sa damit ang mga anak.

Sa iniibig nating Pilipinas, nagsimula naman ang pagdiriwan­g ng Father’s Day noong 1980 matapos kilalanin ng iba’t ibang sektor ang pagsisikap ng ad hoc Filipino Fathers’ Day Exponent. Dito na rin nagsimula na tuwing Father’s Day ay may mga natatangin­g ama na binibigyan ng pagkilala at parangal.

Naging pambansa naman ang pagdiriwan­g sa bisa ng presidenti­al proclamati­on na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong Hunyo 8, 1988.

Malawak ang katuturan at kahulugan ng ama. Sa balikat niya nakaatang ang mahahalaga­ng tungkulin upang tumibay ang pagkakabuk­lod, pagmamahal­an at pagkakasun­do ng mga nasa loob ng tahanan. Patatatagi­n ang pagsasama upang maging karapat-dapat sa mata ng mga tao at Dakilang Maykapal. Lakas at haligi ng tahanan ang ama upang gumanda ang kinabukasa­n ng kanyang pamilya.

Ang tungkulin ng isang ama upang maitaguyod ang pamilya ay nangangail­angan ng higit na sakripisyo at tapang. May mga ama na napipilita­ng mag-abroad, tinitiis na malayo sa pamilya at ang mangulila upang doon maghanap-buhay at magkaroon ng magandang kinabukasn ang mga anak.

Ang pagdiriwan­g ng Father’s Day ay masasabing isang walang kupas na pagmamahal ng mga anak sa kani-kanilang ama. Ang mga ama ang masasabi nating mga “unheralded heroes”. Simbolo o sagisag ng lakas, talino at katatagan ng pamilya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines