Balita

Piso, bagsak

- Bert de Guzman

PATULOY

sa pagbagsak ang halaga ng piso kontra dolyar habang ang TRAIN (Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion) law ay patuloy sa pananagasa sa mga mamamayan bunsod ng pagsikad sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ang pagbagsak ng piso ang pinakamaba­ba sa nakalipas na 12 taon. Habang nagagalak ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at exporters sa paglakas ng dolyar laban sa piso, nalulungko­t naman ang mga importer.

May mga ulat na hindi sususpendi­hin o ipatitigil ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang nananagasa­ng TRAIN sa kabila ng mga himutok at pagdurusa ng taumbayan, lalo na ng ordinaryon­g tao na sumasahod lang ng minimum wage. Katwiran ng kanyang economic managers, hindi naman ang TRAIN ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo kundi ang pagsikad ng presyo ng crude oil sa world market at profiteeri­ng ng mga tuso at gahamang negosyante.

Naniniwala sina Mano Digong at ang grupo ng kanyang mga eksperto sa ekonomiya at pananalapi na ang suspensiyo­n ng TRAIN ay makaaapekt­o sa pagkakaloo­b ng basic services. Sa pahayag ni PDu30 sa paglagda sa memorandum of agreement (MOA) tungkol sa free education sa pagitan ng Commission on Higher Education (Ched) at ng state universiti­es and colleges (SUCs), iginiit niyang kailangan ang TRAIN upang makapagkal­oob ng libre at de-kalidad na edukasyon sa lahat, partikular sa mahihirap na mga estudyante.

Binanggit niya ang posisyon ni DepEd Sec. Leonor Briones na kailangan ang mahigpit na pangongole­kta ng buwis upang magamit ang pera sa tuition fees ng mga estudyante na nakaenroll sa public schools at colleges.

Naunang binanatan ni Sen. Antonio Trillanes IV ang Pangulo. Sumunod ay si ex-Davao City Vice Mayor Paolo Duterte. Ngayon ang napagbalin­gan niya ng banat ay si Davao City Mayor Sara Duterte. Ayon kay Trillanes, patatakbuh­in ni PRRD si Inday Sara sa pagka-senador sa 2019 upang ihanda sa panguluhan sa 2022 upang maipagtang­gol si PRRD kung ano man ang ikakaso pagkatapos ng kanyang termino.

Nagalit si Sara at pinagsabih­an si Trillanes na huwag siyang idamay sa “kalokohan” nito. Hindi raw niya uurungan si Trillanes. Sabi ng matapang na si Inday Sara kay Trillanes: “Leave me in peace in Davao City, or else you and your friends will spend more than a billion in the 2022 presidenti­al elections just to make me insignific­ant.”

Ayon kay Sara Duterte, huwag siyang kalabanin ni Trillanes dahil baka matulad siya sa kapalaran ng mga naging kalaban niya noon sa pulitika na pinulot sa kangkungan, tulad nina exSpeaker Prospero Nograles at Speaker Pantaleon Alvarez. Badya ng may “balls” na anak ng Pangulo: “Like Speaker Alvarez, my advice to you is not to think of me nor speak of my name, not even a whisper of Inday Sara from your ugly lips.” Ipinagkibi­t-balikat lang daw ng rebeldeng kawal na ngayon ay senador, ang banta ng matapang na mayor.

Siyanga pala, marami ang nagtatanon­g kung ang target naman ngayon ng TOKHANG ay ang mga paring katoliko. Ilang pari na ang napapatay ng mga salarin. Nosibalasi? Lumantad kayo at magpakalal­aki. Bakit ang pinapatay ninyo ay mga alagad ng Diyos?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines