Balita

‘Ang Probinsiya­no’ han December pa?

- Ni JIMI ESCALA

SINABI ng nakausap naming ABS- CBN insider na malaki ang posibilida­d na ma-extend na naman ang seryeng FPJ’s Ang Probinsiya­no ni Coco Martin.

Kamakailan ay umugong ang balita na hanggang October na lang ngayong taon ang nasabing primetime serye ng Kapamilya network. Kumbaga, tatapusin na raw ang dalawang taong pamamayagp­ag sa telebisyon ng nabanggit na serye.

Pero nagkaroon daw ng meeting ang mga taong involved sa produksiyo­n, kasama ang mga “big boss” ng istasyon, at napagkasun­duan daw na sa end of the year na raw ito tatapusin.

Kumbaga, hanggang December pa nating mapapanood ang FPJ: Ang Probinsiya­no, huh!

Sa totoo lang naman, sobrang taas ng rating ng serye ni Coco, at very timely ang mga tinatalaka­y na isyu, lalo na ‘yung may kinalaman sa kasalukuya­ng political issues sa bansa.

“Ilang shows na rin naman ang itinumba ng FPJAP, and for sure ngayong na-extend na naman ang serye ni Coco, eh, tiyak naman na may itatapat silang bago,”sey pa ng source namin.

Balitang ang kasalukuya­ng ginagawang serye ni Alden Richards ang itatapat sa FPJAP ni Coco Martin,

huh!

Samantala, si Edu Manzano ang pansamanta­lang main kontrabida sa FPJAP. Pero hindi raw nama Garcia, at ibabalik pa rin daw naman ang beteranong aktor. Ayaw namang kumpirmahi­n ng aming source ang napabalita­ng may sakit ngayon si Eddie.

 ??  ?? Coco
Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines