Balita

Aktor ‘di niligawan ang aktres na feelingera

- Reggee Bonoan

“HINDI

ko siya niligawan at all.” Ito ang diretsong sinabi ng aktor tungkol sa aktres na nakasama niya sa pelikula kamakailan.

May mga sitsit kasi na nanliligaw ang aktor sa leading lady niya sa pelikula dahil kapag nakikitang magkasama sila ay masaya sila at okay. Kapag tinatanong ang aktres kung nanliligaw sa kanya ang leading man niya ay parati niyang sagot: “Siya na lang po ang tanungin ninyo.”

Kaya kung aanalisahi­n ang sagot ng aktres ay positibo nga na nanliligaw o nagpapa-cute sa kanya ang aktor.

Sakto naman na nakita namin ang aktor sa presscon ng bago niyang pelikula, at talagang nagulat siya sa tanong namin tungkol sa aktres.

“Hindi ko siya niligawan at all!” sabi niya.

Sinabi namin ang sagot ng aktres na ang aktor na lang ang tanungin tungkol dito.

“May movie kami that time, kailangan naming mag-promote. Siyempre lagi kaming magkasama at bilang leading man, siyempre mabait at maalalahan­in ka sa leading lady mo. Pero hindi ko siya niligawan o liligawan,” diretsahan­g sagot ng binata.

Bihira sa mga lalaki ang magsalita nang diretso tungkol sa mga babae, pero kasi itong si aktor ay marami na rin palang naririnig. Kaya siguro nu’ng magtanong kami ay napuno na at nagsabi na talaga siya ng totoo.

Ito kasing si aktres laging assuming na may gusto sa kanya ang mga lalaking nakakasama niya sa project.

Anyway, walang girlfriend ngayon si aktor dahil gusto muna niyang ipahinga ang puso niyang sugatan, dahil kahit matagal na silang hiwalay ng model girlfriend niya ay hindi pa rin niya ito nakakalimu­tan, at gusto niyang maging friends sana sila.

“Hindi ako kinakausap, galit pa rin sa akin,” sabi ng aktor.

Ganu’n talaga ang mga babae kapag nasaktan, magbibilan­g ng taon bago makalimot, kahit na posibleng mahal pa rin si aktor ng ex-girlfriend niya.

May plano bang balikan ni aktor ang exgirlfrie­nd niya?

“Hindi ko naiisip, kasi ngayon puro trabaho muna ako. Kailangan kong magipon, bihira kasi dumating ang ganitong opportunit­ies,” katwiran ng aktor.

In fairness, kaliwa’t kanan ang project ngayon ng aktor, kaya natutuwa kami para sa kanya dahil isa na siyang mahusay na artista.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines