Balita

Sancho delas Alas, ayaw ng bonggang wedding

- Ador V. Saluta

MAY

mga pagbabagon­g magaganap sa church wedding ng anak ni Ai Ai delas Alas na si Sancho delas Alas, at ng fiancée nitong si Shanna Retuya. Napapanood na ngayon sa

Ang Probinsiya­no, kinumpirma ni Sancho na sa December 10, 2018 ang araw ng pagpapakas­al nila ng kasintahan. Una nang pinlano nina Sancho at Shanna na sa Christ The King Green Meadows Church magpakasal, subalit nabago ang pagdarausa­n ng kasal, at sa halip ay sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills, Mandaluyon­g City na gagawin ang kanilang church wedding.

Balak nina Sancho at Shanna na idaos ang wedding reception nila sa bagong restaurant na bubuksan ni Ai Ai sa Ayala Mall Cloverleaf, at hindi na sa isang sikat na events place.

Sinabi ni Sancho na kung susundin ang original plan, aabot sa P2 milyon ang budget, dahil sa venue pa lang ng wedding reception ay P200,000 agad ang ibabayad nila. Napagdesis­yunan ng dalawa na gawing simple ang kasal, dahil mas mahalaga ang basbas ng simbahan sa pagsasama nila. Kaya ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan na lang ang imbitado sa wedding. Nagiging praktikal lang sina Sancho at Shanna, kaya ayaw nila ng kasalang magarbo. Nabanggit ni Sancho na nangako ang kanyang inang si Ai Ai na tutulong sa mga gastos at na-appreciate naman niya ang alok ng Comedy Queen, pero gusto pa rin nila ni Shanna na magtipid. Maganda ang ibinigay ni Sancho na katwiran na ang marriage at ang pamilya na bubuuin, hindi ang kanilang wedding, ang pinaghahan­daan nila ni Shanna. Kapag walang taping si Sancho para sa Ang Probinsiya­no ay siya ang chef on duty sa kanilang family-owned restaurant, ang Chang Ai, sa tapat ng ABS-CBN.

 ??  ?? Sancho
Sancho

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines