Balita

Dimples, in love pa rin sa asawa after 15 years

- Ador V. Saluta

ISA

sa mga celebrity na napapanati­li ang tatag at masayang samahan sa asawa ay si Dimples Romana, na 15 years nang kasal kay

Boyet Ahmee. Nabiyayaan sila ng dalawang anak, sina Callie at Alonzo. Sa kanyang Instagram (@ dimplesrom­ana), ibinahagi ng Bagani actress ang sekreto sa patuloy na pagiging matatag ng pagsasama nila ng mister, sa kabila ng mga pinagdadaa­nan nila sa buhay—at kung paanong pinatatata­g sila ng “Third Party” sa kanilang relasyon.

Post ni Dimples: “Bukas, 15 years na akong minamahal ng mahal ko. Wala nang sasarap pa. Paano mo nga ba masasabi kapag nahanap mo na ang ‘The One’ kung ang tanging patunay lang ng tunay na pagmamahal ay ORAS—taun-taon ang kakailanga­ning bilangin para malaman kung tunay nga ang pagmamahal na nahanap mo. At sa 15 na taon na ‘yun, sa dami ng lubak, bagyo at pagsubok na pinagdaana­n namin, masuwerte kaming buhay pa kaming dalawa—figurative­ly and literally.

“Ang pagpili ng papakasala­n ay nakamamata­y. Maaaring sa pagdaan ng taon na magkasama kayo ay magpatayan kayo, or mapatay nyo ang ilaw at alab ng puso ng isa’t isa ng ‘di nyo namamalaya­n. Nagpapasal­amat ako na hanggang ngayon, mahal, buhay na buhay pa ako, hindi ako nagkamali sa pinagkatiw­alaan ko ng puso ko. The best ka. Hindi mo sinayang ang oras ko. Salamat. You have made each moment count and you have made the fire in me burn brighter.

“You have made all our dreams come to life dahil hindi ka madamot. Sa pagmamahal, (okay sige sa kiss at hug madamot ka, pero okay lang nako-compensate ‘yun ng ibang bagay), sa pasensiya, sa pag-iintindi. Sa mga panahon na naging faint ang pagmamahal natin at pasensiya sa isa’t isa, alam ko na kung bakit tayo magkasama pa din. Dahil sa mga oras na yun, pareho nating naisip na ang pangako natin sa isa’t isa ay hindi lang sa pagitan natin dalawa. There’s always been a third party—The LORD. “

When we almost lost hope and faith in one another we found comfort in knowing that the GOD who was present when we made our vows to love one another ‘til death do us part is also present during these times and though we as human beings may run out of love and patience, HIS LOVE REMAINS and HIS LOVE will sustain us. For a faithful and forgiving love, THANK You. Happy almost 15th anniversar­y Myluv @boyetahmee. Bukas na ang totoong greeting ko ha.”

 ??  ?? Dimples at Boyet
Dimples at Boyet

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines