Balita

Chris Brown, may kaso na naman

- Yahoo Celebrity.

SANGKOT na naman sa bagong kaso si

Chris Brown. Pinatawan ang Grammywinn­ing ng bagong temporary restrainin­g order, na hiniling ng isang babae na umano’y sinuntok, tinakot, at ini-stalk niya.

Ayon sa inisyal na report ng The Blast, inutusan si Brown, 29, na lumayo ng 100 yards sa 24- anyos na babae, na kinilala lamang bilang si “Cassandra.” Ayon sa mga court document, inakusahan ng babae ng harassment si Chris na ilang beses umanong nangyari sa magkakaiba­ng araw. Ginarantiy­ahan ng korte ang babae ng restrainin­g order ngayong linggo sa Los Angeles courtroom.

Ipinahayag naman ng abogado ni Chris, si Mark Geragos, sa statement sa E! na wala umanong alam ang kanyang kliyente tungkol sa paratang at hindi umano kilala ng rapper si Cassandra. Sinabi rin niyang maaaring may sakit sa pag-iisip ang babae.

Ilang beses nang naharap si Chris sa asunto na sangkot ang iba’t ibang babae sa buong panahon ng kanyang career, at ang pinakakont­robersiyal ay ang kanyang guilty plea sa pananakit sa noon ay girlfriend niyang si

Rihanna, taong 2009. Nitong nakaraang taon, nagsampa rin ang kanyang ex- girlfriend na si Karrueche

Tran ng restrainin­g order laban sa kanya, dahil binantaan umano niyang papatayin ang babae.

Nitong nakaraang buwan lamang, inakusahan si Chris ng babaeng hindi kinilala, na umano’y ikinulong ng singer sa kanyang bahay habang may orgy, at doon ay minolestiy­a pa. Kinasuhan si Chris ng negligence, intentiona­l infliction of emotional distress, at battery and assault. Muli namang itinanggi ni Geragos ang mga paratang, ulat ng

 ??  ?? Chris
Chris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines