Balita

Brad Pitt ginawaran ng mas maraming oras sa mga anak

-

NITONG

nakaraang linggo ay ipinagdiwa­ng ni Angelina Jolie ang kanyang 43rd birthday nang dalhin niya ang kanyang anim na anak sa isang theme park sa London—at sumakay rin siya sa roller coaster kasama ang mga ito, ulat ng Yahoo News.

As it turns out, ayon sa court order na nakuha ng CNN, nang mga panahong iyon ay nakikipagl­aban din ang aktres para sa kustodiya ng kanyang mga anak, laban kay Brad Pitt, na nagsimula pa nang naghiwalay sila noong 2016.

Kahit na mayroong full custody ng kanilang mga anak si Angelina – kina Maddox, 16; Pax, 14; Zahara, 13; Shiloh, 12; at Vivienne at Knox, kapwa siyam—simula nang maghiwalay sila ni Pitt hanggang ngayon, ayon sa mga dokumento, ang Superior Court of Los Angeles County “(has) determined that not having a relationsh­ip with their father is harmful” sa mga bata at sila ay “safe with their father.”

Inatasan din umano ng korte si Angelina na talakayin ang nasabing isyu sa kanilang mga anak.

Makaraan ang divorce, kaagad na sinundan ito ng kontrobers­iya sa isang insidente ng umano’y child abuse, na klinaro na ni Brad. Ipinaliwan­ag ni Pitt na bukod sa pagiging isang Hollywood god, siya ay isa pa ring tao at nagkakapro­blema rin sa alcohol at substance-abuse issues, sa nakalipas na ilang dekada.

Iniulat naman na nagiging maayos na ang aktor, at maaaring ito ang rason sa desisyon ng korte na bigyan siya ng unlimited phone access sa kanyang mga anak, at bigyang pagkakatao­n ang custody schedule para sa summer na hahatiin ang mga bata sa pagitan nina Angelina at Brad, na nasa London at Los Angeles.

Ang arrangemen­t ay nakatakdan­g magbago— at ipinahayag ng korte ang pisibilida­d na “reduction of the time [the children] spend with [Angelina]” at “ordering primary physical custody to [ Pitt]” sa hinaharap—ngunit sa kasalukuya­n ay na kay Angelina pa rin ang primary physical custody sa mga bata.

 ??  ?? Angelina at mga anak
Angelina at mga anak

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines