Balita

Sexual assault vs Sylvester Stallone, iniimbesti­gahan

-

INIHAYAG

ng Los Angeles prosecutor­s nitong Miyerkules na nirerebisa ng kanilang sex crimes team ang kaso laban sa

Rocky actor na si Sylvester Stallone. Hindi nagbigay ng detalye ang kinatawan ng Los Angeles District Attorney’s Office na si Greg Risling, ngunit sinabi niyang ang kaso ay iprinisint­a ng pulisya sa California beach city ng Santa Monica.

Tumanggi namang magpaunlak ng komento ang nga tagapagsal­ita ni Sylvester, 71, nang tinawagan nitong Miyerkules.

Noong Disyembre, isiniwalat ng abogado ni Sylvester, si Attorney

Martin Singer, na “(the woman) filed a police report alleging a rape that occurred 27 years ago.”

“My client categorica­lly disputes the claim,” lahad ng abogado sa isang pahayag nang panahong iyon.

Inihayag naman ng Santa Monica Police noong Disyembre na iniimbesti­gahan nila ang reklamo na isinampa noong Nobyembre 2017, sa umano’y pangmomole­stiya ng aktor noong 1990s. Naging tanyag si Sylvester noong 1976 dahil sa kanyang Oscar- winning boxing movie na Rocky, at naging isa sa pinakamala­laking action star sa Hollywood sa pamamagita­n ng Rambo at Rocky film franchises. May kumplikado­ng batas para sa mga limitasyon ang California para sa criminal prosecutio­ns ng sexual abuse, ngunit ang mga paglabag ay nararapat lamang na madinig sa loob ng sampung taon. Bumuhos ang mga akusasyon sa Hollywood sa loob ng nakalipas na walong buwan, na isiniwalat ng kababaihan­g umano’y naging biktima ng sexual assault, laban sa napakarami­ng aktor, direktor at filmmakers, na nagresulta sa pagbibitiw ng mga akusado mula sa kanilang posisyon.

 ??  ?? Sylvester
Sylvester

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines