Balita

Mendoza, tumatag sa ‘Trip to Batumi’

-

NAUNGUSAN ni Woman Fide Master Shania Mae Mendoza ng Santa Rosa City, Laguna si Woman Fide Master Michelle Yaon ng Los Banos, para mapanatili ang isang puntos na kalamangan sa nalalabing isang round ng 2018 National Chess Championsh­ip ‘Trip To Batumi’ Grand Finals nitong Biyernes sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place sa Makati City.

Sa labanan ng dalawang pambato ni GM Jayson Gonzales sa Far Eastern University chess team, nanaig si Mendoza sa 31 moves ng Owens defense.

Nanatili sa ituktok ng liderato si Mendoza na may 6.5 puntos matapos ang eight games of play sa 10 players’ women’s field sa torneo na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippine­s sa pangunguna ni chairman/ president Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr. sa pakikipagt­ulungan ng Philippine Sports Commission at Alphaland Mall.

Nasa ika- 2 puwesto naman si Woman Internatio­nal Master Catherine Perena-Secopito ng Bulacan na binigo si dating Asian Junior champion Woman Internatio­nal Master Mikee Charlene Suede ng Makati City tungo sa kabuuang 5.5 puntos.

Panalo din si Woman Internatio­nal Master Marie Antoinette San Diego ng Dasmarinas City sa nakababata­ng kapatid na si Jerlyn Mae tungo sa solo third place na may 5.0 points.

Tabla naman ang laro ni defending champion Woman Internatio­nal Master Bernadette Galas ng Makati City kay Woman National Master Christy Lamiel Bernales ng Mandaluyon­g City tungo sa 4.0 points, iskor din naitala nina Woman Fide Master Cherry Ann Mejia ng Pangasinan at Woman Fide Master Allaney Jia Doroy ng Surigao del Sur na ang kanilang laban ay nauwi sa fighting draw.

Sa mens division ay nakaungos si last year winner Internatio­nal Master Haridas Pascua ng Baguio City kay Internatio­nal Master Chito Garma ng Manila sa 35 moves ng Double Fianchetto Opening para makisalo sa top spot kay overnight leader Internatio­nal Master Jan Emmanuel Garcia ng Manila na tabla kay Internatio­nal Master Paulo Bersamina ng Pasay City sa 30 moves ng English Opening. Sina Pascua at Garcia ay may tig 7.5 points matapos ang ten games of play.

Nakatutok din sa Batumi Olympiad berths saround robin final ay sina Fide Master Mari Joseph Logizestha­i Turqueza ng Quezon City na pinisak si Jonathan Maca Jota ng Manila sa 29 moves ng King’s indian defense at Grandmaste­r John Paul Gomez ng Binan, Laguna na nakipaghat­ian ng puntos kay Interntaio­nal Master Richelieu Salcedo III ng Cagayan de Oro City.

Nasilayan din si 13-time Philippine Open champion Grandmaste­r Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng Calapan, Oriental Mindoro na winasiwas si Jeth Romy Morado ng Quezon City sa 53 moves ng Alekhine defense habang nagkasya naman sa tabla si Singapore based Fide Master Roberto Suelo Jr. kay National Master Rolando Andador ng Talisay City sa 30 moves ng Bishop Opening.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines