Balita

Team Tenorio vs Team Jamitosa Ginebra 3x3 Tatluhan Finals

-

NAISAAYOS ng Team TenorioDav­ao at Team Jamito-Nueva Ecija ang championsh­ip match sa Ginebra 3x3 nitong Biyernes sa obinson’s Place Ermita.

Pinangunah­an ni Nelson Caduco ang Team Jamito-Nueva Ecija sa 21-14 panalo kontra Team Ferrer-Pampanga sa unang semifinals duel. Kumasa si Caduco sa naiskor na walong puntos para sandigan ang koponan sa championsh­ip.

Nanaig naman ang Team TenorioDav­ao, sa pangunguna ni Jummel Perdido na tumipa ng game-winning shot kontra Team Slaughter-Davao, 21-20.

Umiskor si Perdido ng anim na puntos para tulungan ang kasanggang si Alexzan Pamugas na may game-high 11 puntos.

Magtutuos ngayon ang Team Tenorio-Davao at Team Jamito-Nueva Ecija para sa 2018 Ginebra San Miguel 3x3 Tapang ng Tatluhan National Champion. Gaganapin ang laban sa halftime ng Manila Clasico sa pagitan ng Barangay Ginebra San Miguel and Magnolia Hotshots sa Smart Araneta Coliseum.

Naghihinta­y ang P50,000 cash prize sa kampeon habang may P25,000 ang runner-up.

Iskor (Unang laro) TEAM JAMITO-NUEVA ECIJA 21 — Cabunoc 8, Caduco 8, Raqueno 3, Satunda 2.

TEAM FERRER-PAMPANGA 14 — Pujante 6, Sarmiento 6, Benedictos 2, Penaflor 0. (Ikalawang laro) TEAM TENORIO-DAVAO 21 — Pamugas 11, Ju. Perdido 6, Luceno 2, Ja. Perdido 2.

TEAM SLAUGHTER-BATAAN 20 — Macalinao 14, C. Capuli 2, P. Capuli 2, Constantin­o 2.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines