Balita

Aces, masusubok sa Bolts

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 4:30 n.h. -- Alaska vs Meralco 6:45 n.g., -- Ginebra vs Magnolia

- Marivic Awitan

MANATILING sa ibabaw ara sa target na outright entry sa semifinal round ang tatangkain ng Alaska sa pagsabak sa pambungad na laro ng double header ngayon sa 2018 PBA Commission­ers Cup sa Araneta Coliseum.

Makakasagu­pa ng Aces ngayong 4: 30 ng hapon ang Meralco Bolts na susundan ng tapatan ng Barangay Ginebra at Magnolia ganap na 6: 45 ng gabi.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalo ng Aces sa liderato ang Rain or Shine na nakatakdan­g sumabak kontra Phoenix kahapon sa MOA Arena sa Pasay sa markang 7- 1.

Magmula ng matalo sa Elasto Painters sa una nilang laban ay hindi pa natatalo ang Aces sa kabila ng hindi paglalaro ng suspindido nilang ace forward na si Calvin Abueva magmula ng matapos ang PBA All- Star.

Tatargetin ng Aces ni coach Alex Compton ang ikawalong sunod nilang panalo sa pagharap nila kontra Hotshots na nais namang umangat mula sa kinalalagy­ang ikatlong puwesto taglay ang patas na barahang 4- 4.

Sa kabilang dako, nasa ikalawang puwesto naman ang Bolts kasalo ang Katropa na may laro din kahapon sa MOA kontra San Miguel Beer taglay ang markang 6- 2.

Tatangkain naman nilang dugtungan ang naiposteng tatlong dikit na panalo, pinakahuli noong Biyernes kontra Blackwater, 10275 upang patuloy na palakasin ang tsansa na pumuwesto sa top 2.

Sa huling laban, tatangkain ng Hotshots na kababalik pa lamang sa winning track mula sa tatlong sunod na pagkatalo noong nakaraang Miyerkules matapos durugin ang TNT Katropa, 111- 89 na umangat mula sa kinalalagy­ang third spot kasalo ng Globalport na may patas na barahang 4- 4.

Samantala sa panig naman ng kanilang katunggali­ng Kings na nasa alanganing puwesto hawak ang markang 2- 5, kailangan nilang ipanalo ang nalalabing apat na laro upang makahabol sa huling byahe patungo sa playoffs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines