Balita

Kyline, sa escalator nag-perform

- Ni NITZ MIRALLES

MULING pinatunaya­n ni Kyline

Alcantara na kaya niyang magmall show mag-isa. Kahit wala siyang kasamang big star, walang dudang kayang-kaya niyang punuin ang mall na pupuntahan niya para mag-perform.

Napatunaya­n ito sa mall show ng Kambal Karibal star sa Savemore sa Apalit, Pampanga. Sa rami ng tao, sa escalator na lang nag-perform si Kyline dahil pati stage, kung saan siya dapat magtatangh­al, ay pinuwestuh­an na rin sa dami ng tao.

Dahil d’yan, hindi na nakababa si Kyline at sa escalator na lang siya nagperform, na okay naman sa kanyang fans para mas makita nila siya. In-off muna ang escalator para maging maayos ang pagtatangh­al ng dalagita.

Base sa napanood naming video, siksikan ang mga tao habang nagkakanta­han kasama ni Kyline.

Bale dalawa ang mall shows ni Kyline last Saturday, dahil nagtanghal din siya sa SM City San Fernando sa Pampanga. Dinumog din siya ng kanyang fans. Ang kaibahan lang, nakapag-perform sa stage si Kyline.

“Thank you so much to all of my Sunflowers here in Pampanga,” pasasalama­t ni Kyline sa kanyang fans, na sunflowers kung kanyang tawagin.

Maraming request sa GMA Artist Center at sa management ni Kyline na sa kanilang lugar naman dalhin si Kyline, dahil gusto nilang makita nang personal si Cheska sa Kambal Karibal. Ang taping ng hit primetime teleserye ang problema kaya hindi kaagad mapagbigya­n ang maraming request na sa kanila para dumayo ng mall show si Kyline.

The last time na nakabisita kami sa taping ng Kambal Karibal, four times a week na ang taping nila, at extended pa ang serye. Kapag nagtapos na siguro ang teleserye ay mapagbibig­yan na ni Kyline ang maraming requests—iyon ay kung hindi siya agad bibigyan ng follow-up teleserye ng GMA-7.

Aabangan din ng kanyang Sunflower fans ang album niya sa GMA Records, at ang birthday concert niya sa September 1, na wala pang announceme­nt sa venue.

 ??  ??
 ??  ?? Kyline
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines