Balita

Gas reserve sa Liguasan Marsh para sa mga lokal

- Argyll Cyrus B. Geducos

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pakikialam­an ng pambansang pamahalaan ang tinatayang $1 bilyon gas field sa Liguasan Marsh sa Maguindana­o.

Ito ang ipinahayag ng Pangulo matapos ibunyag ni Maguindana­o Representa­tive Zajid Mangudadat­u na ang unexploite­d marsh sa katimugan ay pinagkukun­an ng cooking gas.

Nauna nang iniulat na ang lugar sa ilalim ng Lake Buluan sa Liguasan Marsh sa Maguindana­o ay nagtatagla­y ng 68 bilyon cubic feet ng methane gas.

Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ni Duterte na walang dapat ipangamba ang mga Mindanaoan na pakikialam­an ng pambansang pamahalaan­a ang natural gas reserve ngunit pinaalalah­anan sila na magbayad ng mga buwis.

“There is much worry -- and they are wary na baka ‘yung sabi ninyo sa Liguasan Marsh. If there are trillions of cubic meters of oil, do not be worried at all. Hindi na kukunin ng gobyerno ‘yan. Inyo ‘yan. Walang makialam niyan,” sinabi niya nitong Sabado ng gabi.

“It will remain in your control and possession. But you just have to pay the taxes and the service that the government that would spend,” dugtong niya.

Gayunman, hiniling ni Duterte sa mga lokal na ibahagi ang gas reserve sa mga nagnanais na kumita rin ng pera sa pamamagita­n ng unexploite­d gas field.

“If you grow rich, mag mayayaman kayo diyan sa Maguindana­o pati sa Sultan Kudarat. Eh huwag naman din ninyong bawalan ‘yung ibang pumunta doon. Kasi nandiyan ‘yung pera,” aniya.

Sa panayam sa DZMM noong nakaraang buwan, nagpahayag ng kumpiyansa si Mangudadat­u na magagawang idebelop ng bansa ang marsh sa loob ng 25 taon.

“This is not just for Maguindana­o province, but for the whole country,” aniya, umaasang ang Pilipinas ay magiging “next Dubai.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines