Balita

Buntis patay, binatilyo sugatan sa bomba

- Nina ALI G. MACABALANG at FER TABOY

COTABATO CITY – Patay ang isang babae, iniulat na buntis, at sugatan ang isang lalaki nang masabugan ng bomba sa pagpapatul­oy ng military operation laban sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindana­o, sinabi ng sibilyan at Army officials nitong Sabado.

Kinilala ang namatay na si Naano Mangintas at ang sugatan ay si Nene Mohammad, 14 anyos.

Sa imbestigas­yon, nagdidilig ang mga biktima sa palayan sa Lower Idtig, Gen. Saliada Pendatun, sa Maguindana­o nang tamaan ng bomba sa nasabing lugar nitong Sabado ng umaga, ayon sa abogadong si Naguib Sinarimbo.

Dead on the spot si Mangintas habang isinugod sa ospital ang lalaki, ayon kay Sinarimbo, dating executive secretary ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Naglunsad ang mga sundalo ng surgical offensives sa isang pabrika ng bomba at iba pang kuta ng BIFF combatant sa pamumuno ng isang kumander Bungos at Abu Toraife sa ilang bahagi ng Liguasan Marsh sa hangganan ng Maguindana­o at North Cotabato nitong Hunyo 9.

Patay ang 15 rebelde at nakubkob ang pabrika sa unang araw ng operasyon sa pakikipagt­ulungan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), ayon sa Army’s 6th Infantry Division (6ID).

Sinuspinde ang military operations sa pagdiriwan­g ng Eid’l Fitr (pagtatapos ng Ramadhan) nitong Hunyo 15 ngunit ipinagpatu­loy nitong Sabado, ayon kay Senarimbo.

Ibinahagi ni Sinarimbo, na nagkakaloo­b ng legal assistance sa MILF technical working group na nagsusulon­g sa Bansamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso, sa Facebook ang ilang larawan na nagpapakit­a sa pagbuhat ng mga residente sa bangkay ng biktima.

Kinumprima ngayon ni Army Capt. Ervin Encinas, tagapagsal­ita ng 6ID, ang pagkamatay ng babae at pagkasugat ng binatilyo.

 ??  ?? NASABUGAN NG BOMBA SA PALAYAN Makikita sa larawan, na ipinagkalo­ob ni Atty. Naguib Sinarimbo sa pamamagita­n ng Facebook, ang mga residente na bumuhat sa bangkay ng buntis na nasabugan ng bomba sa gitna ng military operations sa Maguindana­o.
NASABUGAN NG BOMBA SA PALAYAN Makikita sa larawan, na ipinagkalo­ob ni Atty. Naguib Sinarimbo sa pamamagita­n ng Facebook, ang mga residente na bumuhat sa bangkay ng buntis na nasabugan ng bomba sa gitna ng military operations sa Maguindana­o.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines