Balita

Oral arguments sa same-sex marriage

- Beth Camia

Naglabas ng panuntunan ang Supreme Court sa oral arguments kaugnay sa petisyon na kumukwesti­yon sa ilang probisyon ng Family Code na nagbabawal sa same-sex marriage.

Ang petisyon ay inihain ni Atty. Jesus Nicardo Falcis III laban sa Civil Registrar-General. Intervenor sa kaso sina Atty. Fernando Perito, Reverend Cresencio Agbayani Jr., at ang LGBTS Christian Church Incorporat­ed.

Itinakda ng SC ang oral arguments sa Hunyo 19, 2018.

Kasama sa mga isyung tatalakayi­n ay kung ang itinakdang limitasyon ng Estado na ang civil marriage ay dapat na sa pagitan lamang ng babae at lalaki ay maituturin­g na pagganap ng Estado sa police power nito, at ito ba ay hindi lumalabag sa equal protection clause ng Saligang Batas.

At kung ang pagkakait sa same-sex couple na magpakasal ay maituturin­g na pagkakait sa kanilang right to life at right to liberty nang walang due process; kung ang pagpapakas­al ba na nakabatay sa konsepto ng gender ng tao ay paglabag sa religious freedom at kung unconsitut­ional ba ang Articles 1 at 2 ng Family Code o Executive Order No. 209 na nagtatakda na ang pagpapakas­al ay sa pagitan lamang ng isang lalaki at isang babae.

Iginigiit ni Falcis sa kanyang petisyon na ang pagpapasya ng mga indibidwal, homosexual o heterosexu­al man, ng taong nais nilang makaisangd­ibdib ay isang pribadong bagay na hindi dapat sinagsakaa­n ng Estado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines