Balita

Calida, sinisiyasa­t ng Ombudsman

- Bert de Guzman

KINUMPIRMA

ni Ombdusman Conchita Carpio- Morales na iniimbesti­gahan ng kanyang tanggapan si Solicitor General Jose Calida kaugnay ng multi-millionpes­o contracts ng security company ng kanyang pamilya sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Sinisiyasa­t si Calida dahil sa patuloy na paghawak niya ng majority shares sa security agency ng pamilya, ang Vigilant Investigat­ive and Security Agency (VISAI), kahit siya ay nahirang na bilang solicitor general noong Hulyo 2016.

Si Calida ang naghain ng quo warranto petition sa Supreme Court laban kay ex- Chief Justice Ma. Lourdes Sereno bunsod umano ng hindi paghahain ng Statements of Assets, Liabilitie­s and Networth (SALN). Dahil dito, hindi umano angkop na maging Punong Mahistrado si Sereno. Napatalsik si Sereno sa botong 8-6.

Ayon kay Carpio- Morales, ang kaso ay nasa fact- finding stage at pagpapasya­han ng field investigat­ors kung may probable cause upang sampahan si Calida ng formal complaint. Ayaw magsalita ng babaing may “balls” kung may pananaguta­n o liabilitie­s si Calida dahil ayaw niyang pangunahan ang imbestigas­yon.

Gayunman, noong Martes ng gabi, sinabi niyang maaaring papanaguti­n si Calida ng conflict of interest. Ipinaliwan­ag niya na bilang punong abogado ng gobyerno, si Calida ay may mga tungkulin sa mga tanggapan ng gobyerno na may business transactio­ns sa VISAI.

Hinamon ng mga mambabatas si DFA Sec. Alan Peter Cayetano na ihayag sa publiko ang umano’y mahigit sa 100 diplomatic protests na inihain ng PH government laban sa China dahil sa paglabag sa soberanya ng bansa.

Sa pangunguna nina Minority Leader Franklin Drilon at Sen. Risa Hontiveros, tinawagan nila si Cayetano na kung totoong may mga protesta ang Pilipinas laban sa dambuhalan­g China, dapat itong ipaalam sa taumbayan.

Naniniwala sina Drilon, Hontiveros at iba pang miyembro ng Senate Minority bloc na makabubuti ang paghahayag ni Cayetano sa umanoy mga protesta na inihain nito upang mabawasan ang alinlangan at galit ng mga Pinoy sa pagsasawal­ang-kibo ng administra­syon sa pananakop ng bansa ni Pres. Xi Jinping.

Sumugod noong Miyerkules ang grupong Kadamay sa isang housing project sa Montalban (ngayon ay Rodriguez), Rizal na inilaan para sa mga tauhan ng military at PNP. Nais nilang okupahan ang mga pabahay roon, tulad ng ginawa nilang pag-okupa sa pabahay noon sa Pandi, Bulacan. Itinaboy ng mga pulis ang may 500 kasapi ng Montalban Homeless Associatio­n (MHA), local chapter ng militanten­g Katipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay).

Kapansin-pansin na malakas ang loob ng grupong ito dahil minsan ay pinagbigya­n sila ni Pangulong Duterte na okupahan ang isang pabahay para sa mga sundalo at pulis. Ngayon, nais nilang okupahan ang mga pabahay na hindi pa inookupaha­n sapagkat sila raw ay walang bahay at lupa. Katwiran ba ito?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines