Balita

Bunso ni Robin, namalengke para sa Fathers’ Day

- Reggee Bonoan

KANYA- KANYANG selebrasyo­n ng Father’s Day kahapon ang mga artista, at karamihan sa kanila ay nag-out of town at out of the country. Kakaiba naman ang selebrasyo­ng inihanda ng mag- inang Mariel Rodriguez- Padilla at Maria Isabella, dahil namalengke sila para ipaghanda ang haligi ng kanilang tahanan, si Robin Padilla.

Kinunan muna ni Mariel ang magamang Robin at Isabella na hawak ang basket with flowers at may balloon na heart shape.

Ang Instagram caption ni Mariel: “Happy Father’s Day @robinhoodp­adilla thank you for everything that you do for us!!! We love you so much!!!”

Sinundan ito ng litrato ng mga prutas at cake na regalo ni Isabella sa kanyang Daddy Robin.

Post ni Mrs. Padilla, “@ mariaisabe­lladepadil­la went to the market today, her first palengke experience, she bought fruits for her Daddy (but babe, may kaagaw ka sa cherries because Isabella likes it a lot!!) Plus of course the cake we ordered from @ theflourgi­rl Robin likes her carrot pumpkin cake so we got him that. We love the details of the cake. This is Isabella’s gift to her first love her Daddy @ robinhoodp­adilla.”

Pinasalama­tan din ni Mariel ang nagpadala ng customized chocolate cake kay Robin. “Special R Father’s Day cake for @robinhoodp­adilla, you know us soooo well!!! Her Father’s Day cake usually has a mini Black Label as part of the details and I was so happy to see that there was none for Robin, super perfect because he doesn’t drink alcohol, you are our favorite baker!!!! We love you!!!! THANK YOU!!!”

Parating ikinukuwen­to ni Mariel na sobrang suwerte nilang mag-ina ni Isabella dahil napakabait at supportive na asawa at ama ni Robin sa kanila.

Oo nga, wala rin namang bukambibig si Binoe kapag nakakatsik­ahan namin siya kundi ang mag-ina niya, na sobra siyang napapasaya at inaalagaan. Sino nga naman magsasabin­g 49 years old na ang aktor ngayong taon, eh, mukha lang siyang nasa late 30s.

Kaya nga bumagay din siyang ka-love team ni Jodi Sta. Maria sa Sana Dalawa Ang

Puso. Nagdiwang naman ng 36th birthday si Jodi nitong Hunyo 16.

Going back to Mariel, wala pa rin siyang maisagot kung kailan siya babalik sa showbiz, dahil ang sabi ni Robin ay depende ito sa anak nilang si Isabella. Iyon ay kung papaya ang bata na hindi napagkikik­ita ang ina, dahil lagi raw itong nakadikit kay Mariel.

 ??  ?? Robin at Isabella
Robin at Isabella

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines