Balita

Pag-aarmas kay ‘kap’ hindi pa tiyak

- Ni GENALYN D. KABILING

Hindi pa pinal ang panukalang pagaarmas sa mga kapitan ng barangay para malabanan ang krimen at ilegal na droga, nilinaw ng Malacañang kahapon.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang bigyan ng baril ang mga kapitan ng barangay para maiwasan ang posibilida­d na maarmasan ang mga tiwaling opisyal ng barangay.

“Hindi pa pinal. Pinag-aaralan pa ‘yan ng ating Presidente,” ani Roque sa press briefing sa Palasyo.

“Hindi pa nai-implement ni Presidente ‘yan at ikukunside­ra ni Presidente syempre ‘yung kabilang aspeto naman, the other side of that equation and that is naku, kapag naarmasan ang narco list na mga barangay officials ay siyempre lalo sila magiging mas makapangya­rihan,” dugtong niya.

Gayunman, sinabi ni Roque na nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroong legal na batayan ang posibilida­d ng pag-aarmas sa mga barangay chairman.

Sinabi niya na pinahihint­ulutan ng Section 387 ng Local Government Code ang pagbibigay ng baril sa mga opisyal ng barangay alinsunod sa requiremen­ts ng pulisya.

Naniniwala si Roque na nasa “discretion” ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng lisensiya sa baril at permit-to- carry sa mga aplikante.

“Hindi naman siguro lahat. Kung mayroong bad record ‘yan, hindi mabibigyan,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines