Balita

PCOO pinayuhang mag-spell check

- Argyll Cyrus B. Geducos

Umaasa ang Malacañang na tatantanan na ng publiko ang Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) kasabay ng pagtitiyak na natuto na ang ahensiya sa mga pagkakamal­i nito.

Ito ang naging pahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos ulanin ng batikos ang PCOO sa dalawang maling posts sa social media nitong nakaraang linggo.

Nitong Huwebes ng gabi, tinukoy ng PCOO ang Norway bilang “Norwegia,” at nang sumunod na araw ay tinawag na “Rogelio Golez” ang namayapang si National Security Adviser Roilo Golez.

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Roque na batid niyang hindi ito ang unang pagkakatao­n na nakagawa ng mga pagkakamal­i ang PCOO sa mismong larangan ng komunikasy­on.

“Let he who has not erred cast the first stone. This may not be the first but come on, let’s give them slack,” aniya kahapon.

Sinabi ni Roque na nauunawaan niya kung bakit matindi ang pagbatikos ng publiko sa PCOO dahil ito ang ahensiya na dapat ay epektibo sa pakikipagk­omunikasyo­n.

“Naintindih­an naman natin ang frustratio­n ng taumbayan. Pero I’m sure po that they will learn again from this experience in the same way that they have learned from the experience­s from the past,” aniya.

Nagsuhesti­yon si Roque na pagbutihin ng PCOO ang spellcheck­ing capabiliti­es nito para maiwasan ang mga pagkakamal­i sa hinaharap.

“Sana lang mas pataasin pa ang kanilang spell check,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines