Balita

Rally vs separation policy ni Trump

-

ELIZABETH, N.J. (Reuters) – Nakiisa ang Democratic lawmakers sa mga nagpoprote­sta sa labas ng immigratio­n detention facilities sa New Jersey at Texas nitong Linggo para sa Father’s Day demonstrat­ions laban sa gawain ng Trump administra­tion na paghihiwal­ay sa mga anak sa kanilang mga magulang sa U.S.-Mexico border.

“This must not be who we are as a nation,” sinabi ni Representa­tive Jerrold Nadler, isa sa pitong miyembro ng Congress mula sa New York at New Jersey na nakipagpul­ong sa limang detainees sa loob ng pasilidad sa Elizabeth, New Jersey. Tatlo sa mga ito ang nagsabing inihiwalay sa kanila ang mga batang kasama matapos humingi ng asylum sa border.

Sinabi ng U.S. officials nitong Biyernes na 2,000 bata ang inihiwalay sa matatanda sa border mula Abril hanggang Mayo.

Sa South Texas nitong Linggo, ilang Democratic lawmakers, kabilang si Senator Jeff Merkley, ang bumisita sa Border Patrol Processing Center sa McAllen para bigyang pansin ang polisiya, habang pinamunuan ni Representa­tive Beto O’Rourke ang protest march patungo sa isang temporary detention facility para sa immigrant children na itinayo malapit sa El Paso.

Ilang moderate Republican­s ang nanawagan din kay Trump na itigil ang separation­s. Lumiham sina Senators Susan Collins at Jeff Flake sa White House officials nitong Sabado na humihiling ng mga karagdagan­g impormasyo­n sa polisiya.

“It is inconsiste­nt with our American values to separate these children from their parents,” ani Collins sa CBS’ “Face the Nation” nitong Linggo.

Isinisi naman ng White House sa Democrats ang sitwasyon, sinabi na ang kanilang suporta sa pagpasa sa mas malawak na immigratio­n bill ang magwawakas sa mga paghihiwal­ay na ito.

Sinabi ni White House adviser Kellyanne Conway sa “Meet the Press” ng NBC nitong Linggo na: “As a mother, as a Catholic, as somebody who has got a conscience. ... I will tell you that nobody likes this policy.”

“You saw the president (say) on camera that he wants this to end,” dugtong niya.

 ?? REUTERS/Monica Lozano ?? STOP THIS! Nagpoprote­sta ang mga tao laban sa U.S. immigratio­n policy na inihihiwal­ay ang mga bata sa kanilang mga pamilya kapag pumasok sila sa United States bilang undocument­ed immigrants, sa labas ng Tornillo Tranit Centre, sa Tornillo, Texas,...
REUTERS/Monica Lozano STOP THIS! Nagpoprote­sta ang mga tao laban sa U.S. immigratio­n policy na inihihiwal­ay ang mga bata sa kanilang mga pamilya kapag pumasok sila sa United States bilang undocument­ed immigrants, sa labas ng Tornillo Tranit Centre, sa Tornillo, Texas,...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines