Balita

Tandem todas, isa nakatakas

- Bella Gamotea

Kaagad na binawian ng buhay ang dalawa sa tatlong hindi nakilalang lalaki na sakay sa motorsiklo makaraang makipagbar­ilan sa mga pulis sa Oplan Sita sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng dalawang napatay na suspek, kapwa nasa hustong gulang, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy naman ang ikinakasan­g pursuit operation ng pulisya laban sa isang kasamahan ng mga ito na nakatakas.

Sa ulat na ipinaratin­g ng Southern Police District (SPD), nangyari ang engkuwentr­o sa Ylaya Carzo Street sa Barangay Alabang sa Muntinlupa City, dakong 2:45 ng umaga.

Bago ang insidente, nagsasagaw­a ng Oplan Sita ang Police Community Precinct (PCP)-2 sa National Road sa Bgy. Bayanan nang bigla umano silang iwasan ng tatlong suspek, na sakay sa isang motorsiklo.

Pagkaraan ay isa sa mga salarin ang bumunot ng baril at pinutukan umano ang mga pulis. Tiyempo namang nagpapatru­lya ang mga tauhan ng Tactical Management Response Unit (TMRU) sa lugar kaya mabilis na nagkasa ng dragnet operation laban sa mga papatakas na suspek.

Namataan ng awtoridad ang dalawa sa mga suspek na tumakbo sa Ylaya Carzo St., sa Alabang, kaya sinundan nila ito na humantong sa engkuwentr­o at agarang pagkamatay ng mga salarin.

Narekober umano sa dalawang suspek ang isang .9mm caliber pistol at isang homemade shotgun (sumpak).

Nagsasagaw­a na ng pagsisiyas­at hinggil sa pagkakakil­anlan ng dalawang suspek at ang posibleng krimen na kinasasang­kutan ng mga ito sa Muntinlupa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines