Balita

Korean scammer, sisipain ng BI

- Mina Navarro

Isang 33- anyos na Korean scammer, na wanted sa hindi bababa ng 40 krimen sa South Korea, ang hinuli ng mga operatiba ng Bureau of Immigratio­n (BI) sa Parañaque City kamakailan.

Ayon kay BI Commission­er Jaime Morente, naaresto ng ng Bureau of Fugitive Search Unit (FSU) si Lim Jong Keon nitong Hunyo 8 sa isang condominiu­m sa Sucat, Parañaque.

“He is the subject of an Interpol notice, and has been tagged as one of Korea’s most wanted criminals due to the large number of people that he had victimized,” ani Morente.

Ayon kay Morente, pababaliki­n si Lim sa kanyang bansa, sa kahilingan na rin ng Korean Embassy sa Maynila, matapos abisuhan ang BI sa mga kasong nakabimbin sa mga korte sa Korea laban dito, partikular sa kasong large-scale fraud.

Sinabi ng tagapagsal­ita ng BI na si Dana Krizia Sandoval na nagbebenta si Lim ng mga smart phone at iba pang retail items sa mga Korean sa pamamagita­n ng kanyang web portal, bagamat wala namang item na ibinibigay, at ibinulsa lang umano ni Lim ang lahat ng perang ipinadala sa kanyang account ng daan-daan niyang nabiktima.

Ayon kay Sandoval, nasa 381 katao ang nabiktima ni Lim.

“Reports from Korean authoritie­s state that he has already scammed more than 150 Million Won. He has been wanted in Korea since 2013, and is facing a possible 10 years of imprisonme­nt,” ani Sandoval.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines