Balita

Concio at Faeldonia, liyamado sa ASEAN age tilt

-

NAKATUON ang pansin kina Michael Concio Jr. ng Dasmarinas City, Jasper Concepcion Faeldonia ng Espana, Manila at Gabriel John Umayan ng Davao City sa pagtulak ngayon ng 19th Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championsh­ip sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Si Concio na produkto ng Dasmarinas Chess Academy na itinatag nina Dasmarinas Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., Congresswo­man Jenny Barzaga at national coach Internatio­nal Master Roel Abelgas ay ranked number 2 na may Elo rating 1976 sa Open 14 and under class.

Tangan ni CM Nguyen Huynh Minh Thien ng Vietnam ang top seeding na may Elo rating na 2004.

Habang sa panig ni Faeldonia na suportado ni Engr. Chris Fainsan, Electronic­s Communicat­ion Engineer at businessma­n na naka base sa New Zealand na tubong Odiongan, Romblon, tatangkain niyang maipagpatu­loy ang kanyang pananalasa matapso ang paghahari sa Meralco Chess Club Youth Rapid Chess Tournament.

Nasa ranked number 13 naman si Umayan na may Elo rating 1628.

Sa nakaraang edisyon sa Pahang, Malaysia, nakamit ng Pilipinas ang over- all title na matagal ng pinagharia­n ng Vietnam sa paglikom ng 83 gold, 37 silver at 29 bronze medal.

Isa sa pinaka importante­ng pangyayari­ng magaganap ang board meeting ng National Chess Federation of the Philippine­s na pag-uusapan sa Davao City ang final-line up ng Philippine men’s at women’s team na sasabak sa 43rd Chess Olympiad sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 7, 2018 na gaganapin sa Batumi, Georgia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines