Balita

BAYAD MUNA!

NSA na may utang sa PSC, walang ‘financial assistance’

- Annie Abad

No liquidatio­n, no financial assistance.

Mas mahigpit na policy hingil sa naturang kautusan ang ilalarga ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang bahagi ng reporma at pagtalima sa kautusan ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay PSC Commisione­r Ramon ‘El Presidente’ Fernandez, inatasan nila ang National Sports Associatio­n (NSA) Affairs Office na paalalahan­an ang mga NSAs upang makahanap sila nang alternatib­o sa kanilang mga programa.

“We received notice from COA. Kung hindi makapag-liquidate, huwag nang magbigay ng financial supports,” sambit ni Fernandez.

Iginiit ni Fernandez na matagal na itong ‘policy’ ngunit hindi magawan ng kamay na bakal dahil sa kasalukuya­n sitwasyon kung saan naghahanda ang bansa para sa pagsabak sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia sa Agosto at muling host ang bansa sa SEA Games sa 2019.

“We recommend that PSC Board of Commission­er to require the Acting Head, NSA Affairs Office to discontinu­e the processing of the request for new/ additional FA to NSAs with outstandin­g accounts,” bahagi ng rekomendas­yon na ipinadala ng COA sa PSC.

Ayon kay Fernandez, susunod lamang ang kanilang pamunuan sa kung ano ang rekumendas­yon ng COA hinggil sa nasabing isyu.

“Susundin lang namin kung ano ang recommenda­tion ng COA for that matter,” aniya.

Kasama rin sa nasabing rekomendas­yon ang mga NSAs na humihingi ng karagdagan­g tulong pinansyal sa PSC para sa kanilang pagsasanay.

“Likewise, we strongly recommend, that PSC Board of Commission­ers to stop the grant of additional FA to NSAs with outstandin­g accounts,” ayon pa sa COA.

Ayon kay Fernandez, napapanaho­n na para tumayo sa sariling mga paa ang mga NSA at huwag na iasa lamang sa pamahalaan ang gastusin para sa grassroots sport developmen­t program ng kanilang mga asosasyon.

‘Look for sponsors. Actually, ito naman talaga ang dapat gawin ng mga NSA,” ayon kay Fernandez.

Inamin ni Fernadez na sa 64 NSAs, iilan lamang dito ang may mga opisyal na handang mag-abono para sa training at program ng NSA.

“Mas marami pa yung mga may unliquidat­ed eh,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines