Balita

5 sa Maute-ISIS tepok, 4,000 lumikas sa Lanao

- Nina ALI G. MACABALANG at BONITA L. ERMAC

COTABATO CITY – Limang natitirang miyembro ng teroristan­g grupo ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria), na sangkot sa limang-buwang Marawi siege noong nakaraang taon, ang napaulat na napatay sa pagsalakay ng militar sa Lanao del Sur, nitong Linggo.

Ipinahayag kahapon ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander Romeo Brawner, Jr., habang isinusulat ang balitang ito, na kinukumpir­ma pa nila ang nasabing ulat.

Aniya, ang operasyon nila sa laban sa nasabing grupo ay resulta ng pakikipagt­ulungan ng mga local government unit (LGU), gayundin ng mga residente, batay sa ilang buwan nilang intelligen­ce operations.

Pinawirinn­gmilitarya­ngpangamba ng mamamayan sa lalawigan, dahil hindi lalagpas ang kanilang military operations sa kabundukan sa lugar.

Kaugnay nito, dumami ang mga pamilyang lumikas mula sa mvga bayan ng Tubaran at Pagayawan sa Lanao del Sur nang maipit ang mga ito sa sagupaan ng militar at ng mga natitirang kasapi ng Maute-ISIS.

Sa datos ni Salma Jayne Tamano, informatio­n officer ng pamahalaan­g panglalawi­gan, aabot na sa 750 pamilya, o katumbas ng 4,000 katao, ang naevacuate na makaraang salakayin ng militar ang pinagtatag­uan ng grupong Dawla Islamiya, na pinamumunu­an Owayda Benito Marohombsa­r, alyas “Abu Dar”, ang sinasabing bagong emir ng ISIS sa Pilipinas.

Si Abu Dar, ayon sa militar, ay nagsilbing adviser-recruiter ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute at angkan ni Isnilon Hapilon.

Sinabi naman ng isang reliable source sa military intelligen­ce community na sangkot si Dar sa 2012 at 2013 bombings sa Cagayan de Oro City, na ikinasawi ng 12 katao at ikinasugat ng iba pa.

Si Dar din umano ang utak sa car bombing sa Cotabato City, na ikinasawi ng walong katao noong Agosto 5, 2013.

Nagdesisyo­ng lumikas ng mga residente nang umpisahan ng militar na bagsakan ng bomba ang pinaglulun­ggaan ng mga terorista.

Sinabi ni Tamano na wala pa silang natatangga­p na ulat ng posibleng nasawi sa engkuwentr­o.

Hindi pa rin makumpirma ng militar ang napaulat na tatlo na ang napapatay sa panig ng terorista sa unang bugso pa lang ng labanan nitong Linggo, sa hangganan ng Tubaran at Pagayawan, na sinasabing hometown ni Abu Dar.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Lanao del Sur governor Soraya Alonto-Adiong sa mga residente na kumalma lamang at hintayin muna nila ang paglamig ng sitwasyon upang mahatiran ng sapat na relief goods ang mga apektadong pamilya.

 ??  ?? GIYERA NA! Napilitang lumikas mula sa kanilang bayan ang mga residente na pansamanta­lang sumisilong sa ilang eskuwelaha­ng Arabic sa Lanao del Sur, matapos lusubin at bombahin ng militar ang kanilang lugar laban sa Maute-ISIS, nitong Linggo.
GIYERA NA! Napilitang lumikas mula sa kanilang bayan ang mga residente na pansamanta­lang sumisilong sa ilang eskuwelaha­ng Arabic sa Lanao del Sur, matapos lusubin at bombahin ng militar ang kanilang lugar laban sa Maute-ISIS, nitong Linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines