Balita

Mariel, binulaga ang madlang people

- Ni REGGEE BONOAN

FOLLOW- UP ito sa nasulat namin dito sa Balita kahapon tungkol sa pagbabalik-showbiz ni Mariel Rodriguez, na ayon kay Robin Padilla ay nakadepend­e sa pagpayag ng anak nilang si Maria Isabella, na laging nakadikit sa ina. At kahapon ay nambulaga si Mariel, dahil kinunan niya ang pangalan niyang may nakalagay na It’s Showtime Dressing 1, at sabay post sa Instagram account niya na may caption na: “Seeeeee you later Madlang People!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Kaagad naming tinext si Mariel kung balik-TV na siya, at sumagot kaagad ng, “Yes, Showtime ako today.” Kinumpirma rin niyang araw-araw na siyang mapapanood bilang host ng noontime show ng Dos. Sa kauusisa namin ay sinabi rin ni Mariel na hindi niya kasama ang anak sa studio.

Hindi na masyadong nakapag-elaborate si Mariel dahil malapit nang magsimula ang It’s

Showtime nang makausap namin siya kahapon. Sobrang na-miss si Mariel ng madlang people dahil pagkalipas lang ng dalawang oras ay umabot na sa 15,543 likes at 393 comments sa kanyang post, karamihan ay nagsasabi ng “good luck”, “welcome back gorgeous”, at may tumawag pa sa kanya ng “idol sa hosting”.

In fairness, masayang mag-host si Mariel, at nakaka-miss din ang mga adlib niyang nakakatawa talaga.

Samantala, isa ring excited sa pagbabalik ni Mariel, siyempre pa, ang asawang si Robin. Post si Binoe sa Instagram: “@marieltpad­illa nakaabang na kami konti na lang showtime na walang pinakamaga­ndang reliever kundi si supermom @ abril_1465 teacher tudi.”

Si Teacher Tudi ang kasalukuya­ng nagbabanta­y sa panganay nina Robin at Mariel na si Isabella.

 ??  ??
 ??  ?? Mariel
Mariel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines